Chapter 8

15 2 0
                                    

True Love will always finds a way to come back.
-----
Sharmaine's POV

Ano ba yan? ang ingay! pagdilat ng mata ko, alarm clock nga pala. Teka? walang pasok nag alarm ko? hmm.

Ay oo nga pala! ipapasyal ko si Shalia!

Paglabas ko ng bahay, naglilipat na nga yung bago naming kapit bahay. Ayos ah, hehe new neighbor. :D

Naglalakad na kami ni Shalia nang biglang may kumausap sakin.

"Ah, hello"

"Ay kalabaw!! ay! sorry! nagulat ako, hello"

"Haha, nakakatuwa ka naman magulat."

"Haha! hi"

"Hmm, ako nga pala si Francis"

"Ako si Sharmaine, nice to meet you"

"Nice to meet you"

Nag shake hands kami.

"Ang cute naman nyang Tuta mo, ano pangalan nya"

"Shalia, kayo ba yung bago naming kapit bahay?

"Ahh oo, san ka pupunta?"

"Ipapasyal ko lang si Shalia, kakabigay lang nito sakin kagabi nila Mama"

"Oh talaga? Ang galing naman. Sama muna ako sainyo okay lang ba? para ako din maipasyal mo, haha"

"Haha! sige okay lang"

Infairness! ang Gwapo nya, Cute nya tumawa ang kinis pa ng balat, halatang mayaman.

"Bakit kayo lumipat ng bahay?"

"Ahh kasi naghiwalay yung parents ko"

"Oh? sorry!"

"Hindi okay lang"

"Sorry talaga"

"Okay lang nga, ang cute mo haha!"

"Haha! wag mo nga ako lokohin"

"Totoo! nagsasabi ako ng totoo"

"Hehe salamat"

"Francis, gusto mo sa Park? napapagod nako, kanina pa tayo naglalakad e, hehe"

"Ah sige lang Sharmaine"

Pagdating namin sa Park umupo kami sa Swing, may naalala ako dito sa Swing. Yung time na pinapunta ako ni Jacob dito, dito ko sya nakita. haiyst!

"Sharmaine, ang sarap mo naman kasama. Masayahin, palangiti. I like your smile. :)"

"Ah ganon ba, magaan nga din loob ko sayo e. Thanks"

"Haha, bili tayo ice cream"

"Sige! libre mo ba?"

"Haha! oo naman"

Pagkabili namin ng Ice cream umupo ulit kami sa Swing.

"Francis, ilang taon ka na?"

"18, ikaw ba?"

"Ah pareho lang tayo"

"Ah ganun ba, kala ko 16 ka lang e"

"Baliw! binobola mo na ko ah!"

"Haha! di ako mambobola"

"Eh ano yang ginagawa mo?"

"Nagsasabi kaya ako ng totoo, hehe"

"Ikaw ha! kanina ka pa"

Pagkaubos ng Ice cream. Napagpasyahan naming umuwi.

"Ano tara na? Francis"

"Sige tara na, tutulong ako sa bahay mag ayos"

"Oo nga, puro ka gala"

"Di naman! gusto ko lang malaman tong lugar na to"

"Ahaha. Joke lang"

"Tara na"

Naglakad kami pabalik. Mukhang nag enjoy syang kasama ako. Ako din nag enjoy ang saya nya kasama, magaan sa loob. Tawa pako ng tawa. Haist.

Jacob's POV

Dalawang buwan na yung nakakalipas ng maghiwalay kami ni Sharmaine, tapos isang buwan na kaming hiwalay ni Rochelle, narealize ko kasing si Sharmaine lang talaga yung magmamahal sakin ng tunay. Kaya lang may nakita ako, sa di kalayuan, si Sharmaine, may kasamang ibang lalaki na mukhang masaya sila, pupunta kasi sana ako sakanila para mag sorry, sobrang sakit. Siguro ito lang yung nararapat sakin dahil manloloko ako, niloko ko si Sharmaine, yung babaeng walang ginawa kundi mahalin at intindihin ako, yung babaeng kumo-comfort sakin sa tuwing may problema ako. Yung babaeng sinayang ko lang, hatst! kasalanan ko talaga to. Sana hindi nalang ako nagloko, nakakainis.

Anong gagawin ko. Ayoko namang balikan sya tapos sasabihin kong wala na kami ni Rochelle baka isipin pa nun 2nd choice sya, hayst! Di ko na muna sya guguluhin tsaka mukhang masaya na sya sa kasama nya. Ang hirap, ito na ba yung tinatawag nilang karma? T_T

"Spin the Bottle"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon