I want to be your happiness.
-----Kakagising ko lang 2:00 pm na, late na kasi kami natulog kagabi ni Francis. Dami naming pinanuod. Movie marathon talaga e.
Paglabas ko ng kwarto wala sya. Hindi ko sya mahanap kahit Saan. Ano ba yan! nasan na yun?
Nandito nga pala kami sa rest house nila dito sa batangas. Ang sarap dito, nakaka relax.
Kaya lang hindi ako relax ngayon dahil hindi ko sya mahanap.
Hmp? manunuod nalang ako ng movie!
Naka tatlong movie nako, hindi ko namalayan na 6:00 na pala. Hala natatakot nako. Kung ano ano na pumapasok sa isip ko.
Lumalawak na yung imagination ko, baka may halimaw dito tapos kinain sya. huhu
Ano ba tong iniisip ko? nakakainis. Matutulog na ko, bahala sya! hindi ako kakain.
Nakatulog ako. Pag gising ko 8:00 pm na, sana naman nanjan na sya! huhu
Biglang may kumatok dito sa kwarto, nagulat ako dahil sobrang lakas!
Hala! baka ito na yung halimaw! tapos kainin ako.. huhu T_T
Paglabas ko ng kwarto. Dahan dahan ako.
Hala bakit ang dilim? Wala naman tao eee!
"FRANCIS???"
Hala walang sumagot..
Paglabas ko ng rest house, ang daming candles at roses sa sahig. Hmm?
Sinundan ko lang ang mga yun hanggang sa narating ko yung korting puso.
Nandun ako sa gitna nun ngayon.
Biglang may tumugtog ng gitara.
Nanlaki yung mga ko, si Francis hinaharana ako. Habang pinapakinggan ko sya sumulpot sila Shena, Angelo, Mitch, AJ at may iba pa. Siguro Classmates nya. Binigyan ako isa-isa ng balloons ng mga girls at roses ng mga boys.Teka? ano ibig sabihin nito?
Pagtapos kumanta ni Francis, nilapitan nya ko.
"Sharmaine, Sorry kung nag worry ka dahil mag isa ka lang dito. Part yun ng plano. Sorry! Gusto ko lang sabihin na Salamat sa lahat, ikaw yung palaging nanjan sa tabi tuwing may problema ako, sa twing makungkot ako. Nanjan ka din sa tabi ko sa mga araw na masaya ako at malakas ang trip ko. Alam mo bang ikaw yung nagpapasaya sakin? Sharmaine gusto ko lang malaman mo na unti unti nakong nahuhulog sayo. Sharmaine, I'm falling inlove with you. Sana okay lang sayo, na ligawan kita"
Yung mga friends namin, naghihiyawan
"Ayieeee!" -sila
"Ah Francis"
Wala akong nasabi, pangalan lang nya kaya niyakap ko nalang sya.
Oo aaminin ko, nahulog na din yung loob ko sa kanya, matagal na.
"Kelan ang kasal!" biro ni Mitch
"Haha. Mitch kayo muna ni AJ"
Pangalawang araw palang namin dito, siguro naman mag eenjoy na talaga kami nyan. Ang dami na namin e. Hehe
Grabe ang saya saya ko ngayong gabi.
Nanunuod kami ngayon sa sala siksikan to the max, horror ang palabas.
Hindi maintindihan ang mga mukha, manunuod tapos ganyan, magugulat haha!
Nasa kusina kami ngayon ni Francis, as usuall magluluto kami.
Mahirap pala manuod ng walang nginunguya haha.
Pagkatapos namin magluto bumalik na kami sa pwesto namin.