I wish you told me from the start that you were gonna break my heart.
-----
"Ate!""Oh? bunso, bakit ba?"
"Ate may sulat, para sayo nakita ko sa Mail box"
"Kanino galing?"
"Walang nakalagay Ate kung kanino galing e"
Kinuha ko yung sulat
Sharmaine,
Patawarin mo ako sa lahat ng ginawa ko, hindi ko na maintindihan sarili ko, hindi ko alam kung bakit ko to ginagawa ako ung may problema hindi ikaw. Wag mo sana sisihin sarili mo. Minahal kita alam mo yan. Pero siguro hanggang dito nalang talaga. Paalam, salamat sa lahat ng pagmamahal mo. Patawad.
Jacob
Habang binabasa ko to, hindi ko alam ung mararamdaman ko, galit, inis, suklam. Grabe, sorry pero mahirap. mahirap magpatawad agad, lalo na sa taong minamahal mo ng sobra tapos ganito gagawin sayo. ang kapal pa ng mukha mag letter sakin!
Punta muna ako sa bestfriend ko.
Julia's POV
Habang busy akong nagbabasa sa wattpad ng "Spin the Bottle"
Biglang tumawag si Sharmaine.Pagkasagot ko sa phone.
"Julia nandito ako sa tapat nyo"
"Ay okay wait"
Pag akyat namin sa room ko. agad agad naman nag kwento si Sharmaine, grabe gigil na gigil sya magkwento .
"Bhe kalma"
"Eh kasi naman! ang kapal kapal kapal ng mukha nya! mas makapal pa sa kalyo ng paa mo! ka bwisit e!"
"Grabe nadamay pa talaga ung paa ko ha?"
"Kaasar! grabe talaga! sino bang hindi magagalit dun! ikaw kaya?! Ano mararamdaman mo? niloko ka! ng 3 years mong boyfriend! tapos mag sosorry akala mo ganun lang kadali magpatawad!"
Hindi ko naman sya masisi kung bakit ganyan sya magkwento, naiintindihan ko naman e. sobrang hirap ng pinagdadaanan nitong babaeng to.
"Hay nako, ang kapal ng mukha nya! wala ko masabi sakanya!"
"Ay nako! leche sya! sarap isako! pa salvage naten yan! tapos tapon naten sa ilog! bwiset!"
"Tara nga Sharmaine sama ka sakin, palamig tayo"
"Oo nga! tama. tara, Starbucks or Milk tea?"
"Milk tea"
Pagdating namin sa Tea house, inaantay namin ung dalawang bruha! si Mitch at si Shena.
Paggdating nung dalawa.
"Yow girls! kamusta na" sabi ni Shena
"Eto! broken hearted si Sharmaine!"
"Nako Sharmaine! wag na wag mong gagayahin tong si Mitch! Nagloloko sa mga lalaki dahil kay AJ nako, Mitch umayos ayos ka na nga!"
"Hoy ba't nadamay ako? mga baliw"
"Ok order na tayo" sabi ni Shena
Halos 2 hrs na kami dito, hindi parin tapos si Sharmaine sa foods. ganito ba pag broken hearted? hindi nabubusog. haha
"Guys! tara na?"
Oh buti nagyaya na umuwi si Sharmaine
"Oo nga tara na?"
Sharmaine's POV
Pagdating ko sa bahay, walang tao. nasan sila?? O_O iniwan ako? ay umalis pala ko. :3
Hayst? hindi ko parin maiwasan na maisip ko sya, nalulungkot ako lalo na pag mag isa lang ako. Namimiss ko na sya.. Jacob :'( bumalik ka na sakin :(
Maya-maya may nag doorbell, pag bukas ko na pinto..
O_o
"Jacob..."
"Sharmaine, gusto ko lang sabihin na.."
Hindi ko na pinatapos ung sinabi nya, bigla ko syang nayakap. :(
"Jacob, ano bang nangyari? ano bang nagawa ko? bakit mo ko niloko? bakit?"
"Sharmaine I'm sorry, I accidentally fell inlove with someone else. tsaka diba may iba ka na?"
"Hah? iba? wala akong ibang mahal, ikaw parin"
Ang sakit naman marinig yun? hayst! what the..
"Pumunta ako dito nung nakaraan, pero nakita kita lumabas ng sasakyan, may kasama kang lalaki na gentleman.."
"He's my Cousin."
"Talaga?" o_O
"Oo, si Angelo. Galing U.S. yung ex boyfriend ni Shena."
"Ah, nagpunta ako dito para humingi ng tawad, sana mapatawad moko sa mga kasalanan ko. Sorry hindi na kita mahal."
"Nagpunta ka dito para sabihin yan? hindi mo nako mahal?! para saktan moko? wala kang kwenta! umalis ka na!"
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko.. sobrang sakit na e, sobra na sya..
Sinarado ko na ung gate at pinto namin para umalis na sya. sana di nalang sya nagpakita. ayoko na syang makita. :(
Ang hirap ng ganito, ang hirap hirap. parang gusto mo nalang magpakamatay.. ok naman kami dati ah? simula lang nung nakita nya yang Rochelle na yan! nagbago na sya..
Minsa kahit wala kang maisip na dahilan para maghiwalay kayo dahil sobrang perfect nyo sa isa't-isa eh kung hindi talaga kayo yung naka plano para magkatuluyan, magkakaroon pa din ng dahilan para magwakas yung inaakala nyong wala nang katapusan.
-end of this chapter