Ice melts when heated. Eyes melts when cheated.
-----
After ng Class, nagkita kita na kami nila Mitch sa tambayan namin sa loob ng Campus."Guys! Si Sharmaine parang iba" -Shena
"Oo nga parang blooming" -Julia
"Ayieeeeeeeee! who's that lucky guy? huh?" -Mitch
"Mga sira! ano ba kayo? di ba pwedeng naka moved-on lang talaga ako?"
"Talaga lang ha! Sige guys! ano? uwi na ba tayo?" -Mitch
"Haha! tara na!"
Paglabas namin ng gate, may white na sasakyan sa harap, naghihintay.
"Kilala ko tong sasakyan nato ah?"
May bumabang lalaki, si Francis.
"Hi Sharmaine" nag smile sya at nag wave
"Ahhh. Hello Francis"
"Francis?" -Julia
"Ah Guys! Si Francis nga pala, kaibigan ko."
"Oh Hi Francis! Nice to meet you!" -Julia
"I told you guys! let's go! Haha!" -Shena
"Shena naman e, teka Francis ano ginagawa mo dito?"
"Hello girl? obvious ba? sinusundo ka nya, kaya sumakay kana bilis! at uuwi na din kami"
"Ah wait!"
Di na nila ko pinagsalita pa, tinulak tulak nila akong sumakay sa sasakyan ni Francis
Pagsakay ko "Ah Francis"
"Yep?"
"Bakit moko sinundo? Salamat ah"
"Haha! Walang anuman"
Hmp? di naman nya sinagot ung tanong ko e. -_- haha. Sweet naman nya
Habang nag ddrive sya pauwi, kinuwentuhan ko muna sya.
"Hmm, Francis gusto mo ba ng kwento?"
"Sige basta about sa buhay mo, haha!"
Tamang tama ikkwento ko kasi si Jacob sakanya e.
"Sure! Alam mo ba may Ex-boyfriend ako, nag break kami 3 months ago. 3 years kami, kaya lang niloko nya ko. Pinagpalit nya ko sa isang babaeng maganda, famous, volleyball player. Kaya alam mo bang naramdaman ko na ang boring ko?"
"Hmm. Sharmaine, hindi ko akalaing may pinagdadaanan kang ganyan. Thanks kasi kinuwento mo sakin yan it means may tiwala ka sakin. Alam mo? hindi ko lang maintindihan kung bakit nagawa pa nyang magloko. Kung ako sya? Hindi ko na pakakawalan at sasayangin yung babaeng katulad mo"
"Salamat Francis ah, wait? san tayo pupunta?"
Napansin ko kasing sa ibang direksyon kami papunta
"Basta, trust me"
"Hmm? okay"
Pagdating namin dun, palubog na yung araw. Ang ganda dito, ang tahimik, magaan sa pakiramdam, nakaka relax ng isipan. Pwede sigurong mag piknik sa lugar na to e.
"Ang ganda dito Francis"
"Nagustuhan mo ba? dito ako pumupunta pag malungkot ako"
"Oh? kaya pala kasi nakakagaan ng loob dito"
"Ang ng Sunset"
"Kasing ganda mo"
"Haha! Ayan ka nanaman e"
"Alam mo bang napakaganda mo? Sharmaine"
"Haha! oo na sige na, iiyak ka na e haha!"
"Haha anong iiyak ka jan?"
Tapos bigla akong tumakbo, hinabol naman nya ko? haha! parang bata lang eh?
Nung naabutan nya ko, napayakap sya sa bewang ko.
"Huli ka!"
Tapos nagkatinginan kami ng seryoso, pero bigla akong nagsalita, ang awkward kasi e
"Ehem.. Ahm, Francis"
"Ay. Sharmaine sorry"
"Ahh hehe. Uwi na ba tayo?"
"Ah oo, magdidilim na tara"
Pagdating namin samin
"Salamat Francis sa paghahatid at pagsundo ah"
"Haha! wala yun. Sige bye!"
"Bye"
Jacob's POV
Nakita kong may sumundo kay Sharmaine kanina. Mukhang mayaman yata yung pinalit nya sakin. Ay ako pala yung nauna, karma ko pala to. I deserved this. Ganito pala yung naramdaman ni Sharmaine nung time na pinagpalit ko sya, sobrang sakit pala. Ang sakit sakit. Siguro hindi na tama kung guguluhin ko pa sya. Hayaan ko na muna sya. Hahayaan ko na ang tadhana, kung kami, edi kami talaga. Pero kung hindi wala nakong magagawa dahil hindi talaga. Hayst! I'm really sorry Sharmaine.