Chapter 16

21 0 0
                                    

Love never fails.
-----
Francis' POV

Nagising ako sa vibrate ng phone ko. Sino naman kaya ang tatawag sakin ng ganitong oras? 3:45am palang.

Pagtingin ko, number lang e?

Tss. Matutulog nalang ako, baka manloloko lang yan e.

Pero baka importante? Sagutin ko nalang.

"Hello?"

"Brad! si Janjan to."

"Oh? iba na number mo? ba't napatawag ka ng ganitong oras?"

"Ah oo bago na, ah may kailangan akong sabihin sayo"

"Halata naman. Ano yun?"

"Brad, si Chloe nagbalik na"

"What!!" O_O

"At may pasabog"

"Hah? what do you mean"

"Brad, buntis sya at ikaw ang tinutukoy nyang Ama ng dinadala nya"

"Shit."

"Brad, ano pano to? pano na yung kinukwento mo sakin na si Sharmaine?"

"Teka? seryoso ka ba?"

"Oo brad. Pupuntahan ka nga nya buti lumipat kayo, di nya alam yan"

"Sige sige salamat Brad, kita nalang tayo bukas pag usapan naten"

"Eh baka masundan tayo nun. May buntot ako e! baka daw kasi puntahan kita"

"Eh kung kausapin ko nalang kaya?"

"Hmm. Oo nga Brad. Panagutan mo nalang"

"Eh hindi ko naman sya Mahal tsaka hindi ko nga alam kung may nangyare samin e, si Sharmaine ang Mahal ko"

"Kung totoo man yan, ang aga mong magiging Ama"

"Sus, di yan totoo. Naghahabol lang yan"

"Ge brad magkita kita tayo bukas sabihin mo"

"Sige"

Call ended

Hayst? ano ba tong gulo na to. Wala namang nangyari samin ah? panong ako ang Ama ng dinadala nya? bahala na nga bukas!

Next day

Nandito ako ngayon sa Restaurant malapit kila Janjan.

Maya maya dumating na sila, medyo malaki na nga yung tyan ni Chloe, halata nang buntis sya.

"Francis!" lumapit sakin si Chloe at niyakap ako

"Ah teka Chloe" tinanggal ko yung kamay nya na nakapalupot sakin

"Francis, anak mo"

Kinuha nya yung kamay ko at hinawak sa tyan nya.

"Ahm. Chloe sigurado ka bang anak ko yan? walang nangyari satin diba?"

Si Chloe nga pala, yung first love ko na pinagpalit ako sa barkada. Ex ko na sya ngayon. Actually broken hearted din ako paglipat namin ng bahay, pareho kami ni Mommy. Kaka break lang din namin ni Chloe nung time na yun.

"May nangyari satin, naaalala mo nung nag break tayo. Naglasing ka tapos tinawagan moko. Pinuntahan naman kita. At yun na, nangyari ang di dapat mangyare"

Shocks. Naaalala ko na

"So ako nga yung Ama nung bata"

"Oo ikaw. Francis"

Di ako makapaniwala, umalis muna ako. At pumunta sa lugar na pinupuntahan ko pag may problema.

Eto nanaman, nandito nanaman ako. May problema nanaman.

Hayst!! ano ba tong pinasok ko!! Problema nanaman. Pano na yung mahal ko? Pano na si Sharmaine? Ano nang mangyayari pag nalaman to ni Mommy. Aist! kainis.

Sharmaine's POV

Bakit kaya hindi pa nagtetext si Francis? Sabi nya kakain daw kami sa labas. Hmp?

"Sharmaine."

"Po? Mama, bakit?"

"Anak may pupuntahan lang kami ni Daddy mo"

"Ah sige Ma. Saan po?"

"Basta. Anak mag iingat kayo dito ha?"

"Ah opo Ma! kayo din po"

"Mahal namin kayo Anak" :)

"Mama naman, Mahal din po namin kayo"

Tapos niyakap ko si Mama

Pagka alis nila, hinanap ko si Kuya, aba wala? saan kaya gumala yun? Si Angelo kaya?

Pagkatok ko sa kwarto nya. Walang sumasagot. Binuksan ko ng kaunti yung pinto ng kwarto nya para malaman kung nandun sya.

Pagsilip ko nandun sya.. pero tulog. Napansin kong may notebook sa sahig nabitawan yata nya.

Pagpulot ko, hmm? Dairy? aba nag da-diary? haha!

Na-intriga ako, buksan ko nga.

Pag bukas ko, front page palang nakita ko na yung picture nilang dalawa ni Shena.

Dati pa tong picture na to ah? Haha throwback. Nene days at totoy days to ah. Natatawa naman ako.

Pagbasa ko sa next page. Ow?? lam na thiss! May feelings pa sya kay Shena!

Bigla syang nagising.

"Sharmaine! bakit mo pinakialaman yan?"

"Ay sorry! di ko sinasadya"

"Ay naku naman! di sinasadya! alam nang diary e binasa pa"

"Ay, sorry na!" ^_^V

"Hmp! dahil jan libre moko ngayon"

"Osige magbihis ka na, punta tayo Mall kain tayo"

"Haha! Sige pakialaman mo na tong Diary ko araw-araw haha"

"Kung di ka rin naman baliw e noh!" XD

Pagdating namin sa Mall. Nag decide na kami kung saan kakain.

"Nag burger king kayo diba? dun nalang!"

"Ah sige!"

Habang naglalakad kami papunta don, tinawagan ako ni Kuya.

"Hello? Kuya! bakit?"

"Sharmaine! sila Mama! naaksidente!"

"What?! kuya kung ano man yan hindi magandang biro"

"Sharmaine! seryoso ko. Nasan ba kayo? papunta nakong hospital!"

"Hah! sige Kuya papunta na kami"

Call ended

Pagkasabi ni kuya kung saan yung hospital kung saan nandun sila Mama, dali dali naman kami pumunta don ni Angelo.

"Sharmaine, ano nangyari?"

"Naakaidente sila Mama! kaya kailangan naten magmadali"

"Shock!! tara na!"

Nagulat si Angelo, kaya pumunta agad kaming parking lot sa mall at dali daling umalis.

Pagdating namin sa Hospital, nakita ko si Kuya. Umiiyak

"Kuya."

Masama ang kutob ko.

"Sharmaine!"

Niyakap ako ni Kuya habang umiiyak sya.

"Kuya nasan sila Mama? Ano nangyare sakanila??"

"Sharmaine, wala na.. Wala na sila Mama.. iniwan na nila tayo. Sharmaine. Di na sila umabot dito ng buhay.."

Iyak ng iyak si Kuya, habang ako iyak na din ng iyak. Umiiyak din si Angelo na niyakap ako para ma comfort ako.

Mama.. Papa.. bakit?? bakit nyo kami iniwan agad?? Hindi pa po namin kayang wala kayo.

Hagulgol na ko sa pag iyak. Hindi ko na talaga kaya. . .

-end of this chapter

"Spin the Bottle"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon