CHAPTER TWENTY SEVEN

35 3 0
                                    

Tin's P.o.v

Two weeks has passed by at hindi namin nagugustuhan ni Aya ang nangyayari, Well, concerned lang naman kami sa bestfriend namin.

"Best! Ilang araw ka ng ganyan. Ano bang problema mo? Bumagsak ka ba?" Aya asked, nandito kasi kami ngayon sa kwarto ni Zoe. Kahit maaga pa para pumunta dito dahil may pasok kami, eh sa kinausap kami ni Tita about her situation, Hindi rin naman niya alam kung bakit siya nagkakaganyan.

Hindi kumibo si Zoe dahil nakatulala ito. Binagsak ni Aya ang libro sa tabi ni Zoe dahilan upang maibalik siya sa wisyo.

"Ha? Ano ba yun?" Wala sa sariling tanong niya.

"We need to do something." Bulong sa akin ni Aya, tumango naman ako bilang sagot.

"You need to take a bath, Papasok na tayo!" Pangungumbinsi ni Aya sakanya, pero inangat niya lang ang ulo niya mula sa pagkakapatong sa lamesa niya.

"Seriously? You came here just for that? Masyado pang maaga! Umalis na nga kayo!" Inis niyang sabi, at tumungo ulit. Napailing ako sa sitwasyon niya. Bakit ka ba nagkakaganyan?

"Ano ka ba? Ilang araw ka ng ganyan! Lalabas ka lang kapag papasok! Buntis ka ba?" Biglang tanong ni Aya, dahilan upang mapaamang ako. Ano buntis si Zoe?

"Sinong ama?" Tanong ko din, Tinagnan niya kaming dalawa na para bang gusto niya kaming lunukin.

"Ano bang pinagsasabi niyo? Hindi ako buntis. Wala lang ako sa mood!" Inis na sigaw niya, at bumalik na sa pagkakahiga at nagtalukbong.

"What? Not in the mood? Ilang lingong wala sa mood? Is that possible? Wag mo nga kaming lokohin Zoe!!" Inis na sigaw ko sakanya. Isa na lang talaga, sasapakin ko to.

Bigla niyang tinangal ang pagkatalukbong niya at umupo bilang pagsuko. "FINE!!" Inis niyang aniya. Nagkatinginan kami ni Aya, at napangiti.

Hinila namin siya patayo at tinulak patungong banyo, Dito ako nagkaroon ng tyansang kausapin siya. "Anong plano?" bulong ko sakanya, Pumunta siya sa closet ni Zoe kaya sinundan ko siya.

"Well, obviously.. Haggard ang kanyang beauty, We need to know the truth." Aniya at kinindatan ako.

"How? Eh, sa sitwasyon niya ngayon hindi natin siya mapipilit." Tanong ko sakanya.

"Well, kung hindi siya mapapakiusapan. Dadainin natin siya sa dahas! Bwahahahaha!"

"Akalain mong gumagana pala ang utak mo sa mga ganitong sitwasyon!" Biro ko sakanya at nangasim naman ang mukha niya, hindi ko mapigilan hindi matawa.

Perfectly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon