Kath's P.o.v
Nagising ako sa ingay na naririnig ko, nasa bahay ako at wala sa unit ko. Dito na daw ako magpahinga sabi ni Daddy, para sa birthday party ko. Tumayo ako at binuksan ang pinto.
"Ate, ang inggay mo!" Reklamo ko ng malaman siya pala ang nagpapatutog, katapat lang kasi niya ang kwarto ko. Binuksan niya ang pinto niya at sinilip ako, tinarayan niya lang ako.
"What ever, Halika nga dito.." Aniya at tuluyan ng binuksan ang pinto para makapasok ako. Umupo naman ako sa kama niya. Pero tinarayan niya lalo ako.
"Who said that you can seat in my pretty bed?" Aniya, tumayo naman ako.
Hindi sa takot ako sa Ate ko, pero may agreement kasi kaming pag hindi ko sinunod ang gusto niya sasabihin niya sa parents namin ang sikreto ko, ayoko namang mangyari yun, dahil kapag nagkataon ay uuwi talaga sila dito dahil nasa, Canada ang parent's namin ni Ate. At, magagalit talaga sila sa malalaman nila.
"Did you seduced Alexander well?" Hindi na ako nagulat sa tanong ni Ate, dahil sanay na ako. Pero, tutol ako sa gusto niya.
"Ate Annalyn, kailan ka ba talaga titigil ha?" Lakas loob kong tanong sakanya.
"Just do what I want, or else.."
"You don't have to remind me. Yan naman palagi ang pangblack mail mo sakin, wala akong laban!"
She wants me to seduce Alexander, ex-boyfriend niya ito, at gusto niya maghiganti. At gusto niyang ako ang sumira sa buhay ni Xander, Naguguluhan din ako sa utak niya dahil siya naman ang may kasalanan kung bakit sila naghiwalay. Kuya Jed flirt her, at nakisabay naman siya. Sila pa rin, pero parang nasa flirt stage lang sila.
"Just do what I want, later will be the greatest night. Bwahahahaha!!" Aniya at lumabas na ng kwarto niya.
Hindi ko maintindihan si Ate, Hindi kami close simula bata palang kaya ng malaman niyang may sikreto ako lahat ng gusto niya nasusunod. Isa akong fan ni Zoe, kaya ng malaman kong ako yung magiging dahilan ng mga masamang plano ni Ate para kay Zoe at Xander, halos ikamatay ko talaga..
Lumabas na ako ng kwarto ni Ate at bumaba para nagbreakfast, Umupo ako at nginitian ko sila manang.
"Happy birthday Kath!" Bati nila sa akin. I just smiled to them, Happy birthday? I don't think so..
Taon-taon sira ang birthday parties ko, dahil kay Ate. Hindi ko naman siya masisi duon. Dahil naiinitindihan ko siya, ng malaman ko ngang may party na nakahanda sa akin ayokong pumayag. Pero si Ate talaga ang nagpumilit para lang matuloy itong kalokohan na to.
Nang, matapos ako kumain ay dumeretso agad ako sa kwarto ng may kumatok. Si Ate.
"Little sis, Don't forget to invite all the popular. Specially our big guests, Xander and Zoe. Alam mo na ang mangyayari kapag hindi ko nagustuhan ang mga galaw mo, I love you little sis. Happy birthday!!" Sabi pa niya atyaka lumabas ng kwarto. Gusto kong sumigaw, magwala, at manakit ng tao. Napapagod na ako sa buhay na to!
Nang matapos ako, ay pumasok agad ako sa west field. Marami ang bumabati sa akin ng 'Happy birthday' at nginingitian ko naman sila. Sinunod ko ang gusto ni Ate, nag invite ako ng tao pero halos lahat dito ay nerd's sinabihan ko na lang sila ng 'dressed well' Sinama ko na rin yung mga kaibigan ni Xander at Zoe dahil ito ang gusto ni ate. Pumayag naman sila kahit papano. Hayy.. sana mag work. Ayokong makasira ng buhay, dahil sa paghihiganti.