ZOE'S P.O.V
"Alam mo, lagi na lang siyang nakikipagaway, Parang hobby niya na nga yun eh.." Natatawang kwento niya pa, pero wala sa akin ang tingin niya.
"Eh, bakit hindi mo iwanan?" Pormal na tanong ko sakanya, Natigilan naman siya at napatingin sakin.
"Yan na yan mismo ang tanong ko sa sarili ko, 'bakit hindi ko siya iwan?' Pero ganun siguro yun no? Pag mahal mo! Mahal mo! Kahit ano pang gawin niyang hindi mo gusto hindi mo pa rin maiwasang hindi siya mahalin.." May halong lungkot sa tono niya.
"Bakit nga ba siya ganun?" Tanong ko.
"Hindi ko rin alam, siguro dahil na rin sa pagkawala ng daddy niya.. Simula nung mamatay ang daddy niya naging ganyan na siya" Si Patrick.
"Pero, hindi naman ba iba ang trato niya sayo?" Ako.
"Hindi naman.. Ang totoo wala ngang pinagbago eh, Pero simula ng makilala--.." hindi niya natapos abg sasabihin niya dahil nagtanong ako.
"Eh, bakit niya ko tinawag na whore?" tanong ko.
"Dahil may gusto siya kay Alexander Enrile" Deretsong sagot niya at natigilan naman ako.
"S-si X-xander? Eh, ano namang kinalaman ko dun?" Tanong ko.
"Nakikita niya kayo.." may halong lungkot na sambit niya.
"Tss! Eh, wala naman kaming something nun ni X-xander!" Pigil ang inis ba sabi ko sakanya.
"Psh! Ewan ko rin sa utak nun. Pero kasi, hindi lang yun.."
"A-ano? Meron pa?" Sigaw ko sakanya.
"O-oo! Kilala ka dito sa west field, maski nga ako matagal na kitang kilala pero hindi mo siguro kami napapansin, Kung may Fans ka.. meron ka rin haters at isa si Kath duon.." Pagkwenkwento niya.
"Why is that?" Taas kilay na tanong ko.
"Kasi, Maganda ka na.. matalino ka pa, marami kang naiimpluwensyang students dito sa west field.. May maganda kang buhay, kaibigang totoo at higit sa lahat may maayos na pamilya ka.." Nakingiting sabi niya.
Kung ganon? Matagal na nila akong kilala? Buti hindi sila gumagawa ng move para ikasi-- Teka! Meron nga pala! Tsk!
"Naiingit siya sa pagkatao mo Zoe, Minsan nga naiisip niyang siya nalang magisa sa buhay niya.." Sabi niya pa..
I looked at my watch! And it's already 1:05pm. Tsk! May klase pa ko, huhu!
"Uhm, I need to go! It's already time, I still have class." Pagpapaliwanag ko at natayo na agad at nagpagpag ng sarili.
"I see, see you around!" Nakingiting sabi niya.
"Yeah, thanks for your time, Sana hindi ka rin galit sa akin tulad ng girlfried mo, pakisabi sa girlfriend mo wag siyang magtanim ng galit sa puso niya learn to let go.." Sinserong sabi ko at naglakad na paalis.
AYA'S P.O.V
Ito na ang pinaka masayang oras sa buhay ko *o* Ang uwian! *Evil Laughs* Papunta kami ngayon sa room 4-a ni Tin para sunduin si Zoe, dahil hindi naging maganda ang paghihiwalay namin kanina, hindi namin maiwasang hindi magalala.
Simula palang, Ramdam ko na may mali sakanya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan >______<
"Ano iniisip mo?" Biglamg tanong ni Tin sa kalagitnaan ng paglalalad namin.
"Si Zoe, yung mga inasta niya kasi kanina hindi ko maintindihan.." Sagot ko, pero hindi na nakasagot si Tin dahil nakita na naming palabas si Zoe. kaya nilapitan namin siya agad.