CHAPTER FIFTEEN

49 4 0
                                    

Zoe's P.O.V

Pag katapos na pag katapos ako ihatid ni Xander, pumasok agad ako, kahit narinig ko siyang bumusina. Hindi na ko lumingon pa..

Dumeretso, agad ako sa kwarto ko, Humiga agad ako dun at ipinikit ang mata ko. Wala, akong ibang nakikita kung hindi yung nangyari kanina.. Pag kagising na pag kagising ko, nakita ko agad si Kath, na nakacling kay Xander.. Para akong naalimpungatan sa gulat nung makita ko siya..

Para bang ang hirap i-sink in na, nandun siya nakacling kay Xander, tapos sumama pa siya sa pag hatid sakin? Hindi ko, pinoproblema yung sasabihin niya sa mga tao kung bakit ako nandun.. ang inaalala ko lang bakit siya andun? Bakit kilala siya ni Xander? Gustong-gusto ko itanong kay Xander yun, pero natatakot ako. Natatakot ako na baka sabihin niyang 'Ano bang pakealam ko?' Lalo na't nandun rin si Kath. Mas lalo akong nawalan ng lakas ng loob para itanong yung nasa isip ko..

Pero ang tanong 'Dapat ba kong magtanong?' 'Ano tong nararamdaman ko?' Gulong-gulo ako sa nararamdaman ko. Para bang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko, pero dala lang siguro to ng lagnat ko..

*Knock!*Knock!

Napaayos ako ng upo, at noon ko rin lang napatanto na may luha palang tumulo sa mga mata ko. Kaya pinusan ko agad ito..

"Come in!" Sabi ko, ng may kumatok. Bumukas ito, at si mommy ang pumasok.

"Baby, your home na pala.." Sabi niya ng lumapit sakin at umupo sa tabi ko.

"Y-yes mommy.." Sagot ko.

"Sorry baby, hindi ka nasundo ni Manong ha? Ginamit ko kasi yung family car natin. Yung isa kasing sasakyan natin nasa talyer pa.. Yung isa naman nasa daddy mo.." Kwento niya, bahagya akong ngumiti sakanya.

"Okay lang mommy.." pero mas okay kung hindi nasira yung sasakyan natin, edi sana hindi ko nararamdaman to. Dagdag ko sa isip ko..

"By the way mom, Where's dad? Tyaka bakit niyo po ginamit yung family car natin? Is there a problem?"

"He's still at work. Y-yeah baby.. Nagmadali kasi akong pumunta sa hospital" Sagot niya, na ikinagulat ko.

"Why mommy?" I asked, worriedly.

"Wala yun baby, migraine lang yun. Kakain na tayo, bumaba kana.." Pagiiba niya sa usapan. Pero, hindi ako satisfied sa 'wala lang' alam kong may problema. Ayaw niya lang siguro akong nagaalala.

"Wala akong gana mom, maybe tommorow. Gusto ko po munang magpahinga mom.." Sagot ko, na totoo naman.

"Masama ba ang pakiramdam mo baby?" She asked. I gave her a bitter smile.

"I'm okay mom, You should go down. Baka nagugutom na kayo.."

"O-okay baby.. Take a rest okay? Good night! I love you.
Muah!" She said, then pat my head and kiss my forehead.

Perfectly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon