CHAPTER TWENTY

83 4 0
                                    

Zoe's P.O.V

Mabilis natapos ang klase at sabi nung dalawa magkanya kanya daw muna kami ng uwi. It means, Hindi kami sabay.

Kahit ang daming ginawa sa room parang ang bilis ng oras alam mo yun? Nakakapagod pero parabg ayoko pa ngang umiwi, ewan ko kung bakit.

Naglalakad ako sa hall ng biglang sumabay ng lakad sakin Tristan, "Oh! Magisa ka lang?" Tanong niya. Nagtaka naman ako, mukha ba kong may kasama?

"Obviously, Oo." Natatawang sagot ko sakanya. Ginulo naman niya ang buhok ko at ngumiti.

"Kaya ang daming may gusto sayo eh.." Bulong niya, pero hindi ko naintindihan.

"U-uh? Ano yun?"

"Wala.. Sabi ko Ang ganda mo na sana, May kuting pagkabingi ka lang." Biro niya, kaya pinalo ko siya sa braso.

"Ang sama mo!" Sabi ko habang nakanguso. Natawa naman siya.

"Asan yung mga kasama mo?"

"Sus, Miss mo lang si Aya eh.." Bulong ko rin at ngumiti ng pagkalaki laki sakanya.

"Ano yun?" Tanong niya.

"Wala.. Sabi ko, Gwapo ka sana may tutuli ka lang." Biro ko rin sakanya, Pinat naman niya ang ulo ko at ngumiti.

"Hatid na kita.." Aniya na ikanagulat ko. Hatid? Bakit?

"T-tss! Di na, may driver ako no!" Pagyayabang ko sakanya, Natawa naman siya. Puro siya tawa no?

Tumango na lang siya at nagpaalam sakin, Dumeretso na ko sa labas ng westfield, At pumunta sa may shed. Dito ko na lang hihintayin si Manong..

Ilang minuto pa, pero wala pa rin siya at naiinip na ako. Kaya gusto ko ng magkasasakyan eh! Palinga-linga ako sa daan kung may manong na dadaan pero may biglang tumigil na isang sasakyan sa harap ko. Pamilyar sakin ang isang to!

Nakapark lang siya sa harap ko, pero walang bumabang driver. Okay! This is weird! Mamaya stalker pala to? Tapos kidnapin ako sa bahay, pero? Bakit sa bahay pa? Pwede naman dito? Natakot ako sa naisip kong yun, kaya naisip kong tumayo at maglakad pabalik sa loob ng school, Mahirap na!

"Zoe.." Narinig ko ang isang malumanay at pamilyar na boses galing sa sasakyan. Pero, nagpatuloy ako sa paglalakad dahil baka nagkakamali lang ako. "Zoe, Come here. I need you.." Tawag niya ulit sakin.

"Zoe, Come here. I need you.."

"Zoe, Come here. I need you.."

"Zoe, Come here. I need you.."

"Zoe, Come here. I need you.."

"Zoe, Come here. I need you.."

Nagpaulit-ulit sa utak ko ang mga katagang yun. Ano? I need you daw? Eh, paano kung kidnapper yan?

Unti-unti akong napaharap sa boses na yun, At tumambad sa akin ang isang hot at gwapong lalaking nakashades pa na si Alexander Ethan Enrile..

*Tug!*Dug!*Tug!*Dug!* *Tug!*Dug!*Tug!*Dug!* *Tug!*Dug!*Tug!*Dug!* *Tug!*Dug!*Tug!*Dug!* *Tug!*Dug!*Tug!*Dug!* *Tug!*Dug!*Tug!*Dug!* *Tug!*Dug!*Tug!*Dug!* *Tug!*Dug!*Tug!*Dug!*

Perfectly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon