CHAPTER NINETEEN

77 4 0
                                    

Zoe's P.O.V

Monday ngayon, at kanina pa ko nakabihis. Ewan ko ba kung bakit ang aga ko, gumising at ang aga ko rin natapos. At, kating-kati na yung paa ko para pumasok. Pero, hindi pa daw nakakapagalmusal si manong driver at maaga pa naman daw.

Nandito ako ngayon sa dining kasama si Mom at Dad, "Have you eaten?" Tanong ni Daddy.

"Yes, daddy." I answered.

"Ang aga mo naman ngayon baby, may activity ba sa school?" Tanong ni mommy, Pero umiling lang ako.

Kanina pa nangangati yung dila ko, dahil gusto ko magpaalam kay daddy, Pero kinakabahan talaga ako eh. Hindi ko alam kung bakit! Alam mo yun? Parang hindi kasi ako papayagan eh. Huhu!

Lord, sana po payagan ako ni Daddy, kahit ngayon lang. Magpapakabait na po talaga ako! Promiseeeeee!!

Bumuka na yung bibig ko, pero sinara ko ulit. Saan ba ko magsisimula? Sa lakas ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"A-ah.. D-da-- D-daddy." Sa wakas nasambit ko rin! Pero anong sasabihin ko?

"What is it?" Tanong nito. Grabe, boses pa lang ni Dad kinakabahan na ako.

"A-ah--A-ano! Pwe--p-pwe--pwede paabot nung bread sa tabi mo," Uutal utal na sabi ko pa, ibinigay naman ni Daddy ito. Kumuha ako ng isa kahit hindi talaga yun yung gusto ko.

Shet! Anong sinabi ko? Bakit ayun yung lumabas!!?

"D-dad, alam mo si Aya may sasakyan na siya.." Paninimula ko.

"I know," Tipid niyang sagot, na ibinalik ulit ang atensyon sa almusal.

"Si Tin din.."

"Get to the point Zoe!" Aniya, at lalo akong kinabahan. Kilala na talaga ako ni Daddy!

"P-pwede ba ko magkaron ng sariling sasakyan? Please daddy! Promise magiging mabait na ko, hindi ako magiging pasaway na driver, hindi ako mambabangga. Promise daddy!! Pleaseeeeeeee? P--" Naputol ang sasabihin ko. "Ofcourse, your at the right age already." Sagot nito. At duon ako nakaramdam ng matinding pagtalon ng aking puso!

"Talaga daddy?" Paninigurado ko, Tumango na lang siya bilang sagot.

Niyakap ko agad siya at kiniss sa cheek. "Thank you daddy, your the best!!" Sabi ko pa at, kumalas na sa yakap.

"Haha. Malakas ka talaga sa daddy mo baby," Natatawang aniya ni mommy. Ngumiti naman ako sa kanya ng pagkalaki-laki.

"I know, Oh sige na. Pumasok ka na.." Aniya at sinunod ko naman agad. Nagkiss lang ako sa kanila at nagpaalam na aalis na.

Perfectly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon