3rd person's P.o.v
Naiwang nakatanga si Zoe sa tapat ng gate nila, Ni-hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman ng sabihin ni Xander sakanyang 'Kalimutan yung nangyari' pero ang alam niya lang ngayon ay.. nasasaktan siya.
Ang dami niyang tanong sa utak niya na gusto niyang masagot, Bakit siya ipinikilala sa pamilya ni Xander as girlfriend niya, anong balak ni Xander?
Naramdaman na lang niyang tumulo ang luha niya sa sakit ng nararamdaman niya, gusto niyang magsisigaw, manakit pero hindi niya magawa dahil hanggang ngayon, naguguluhan pa rin siya.
"Ano ba tong nararamdaman ko?" Bulong niya sa sarili niya.
*Kloogg!*
Napatingala sa siya langit ng marinig niyang kumulog, Walang stars at madilim ang langit, sobrang dilim. Uulan pa yata. Napangiti siya ng mapait ng malaman niyang uulan.
Dahil, alam niyang parehas sila ng panahon ngayon, Madilim ang utak walang kulay. Nasasaktan! Naramdaman na lang niyang tumulo na ang patak ng mga ulan sa katawan niya at sa mukha niya.
Naiyuko niya ang ulo niya at naluluha nanaman siya. Sinalo niya ang patak ng ulan, At ngumiti ulit ng mapait.
Ilang minuto pa, pero hindi pa rin siya umaalis sa tapat ng bahay nila.. Bigla na lang siyang nagpapadyak, sumigaw.
"Naguguluhan na ko!!" Sigaw niya, dahilan para mapakalma siya. Dahil, kahit papaano nabawasan yung sakit na nararamdaman niya sa loob-loob niya.
Napagpasyahan niyang pumasok ng bahay nila, Sinalubong agad siya ng mga katulong nila at halatang-halatang nagaalala sila kay Zoe, "Ano pong nangyari?" Tanong ng isa sa mga maids, Pero ngumiti lang ng mapait si Zoe dito, "N-nothing.." nauutal na usal niya dahil nilalamig na siya.
Tumakbo ang isang maid at kumuha ng twalya para kay Zoe, ipinatong agad niya ito sa balikat ni Zoe para mabawasan ang pagkalamig. May kumuha naman ng tubig at pinainom siya.
"P-please, D-don't tell this to m-mommy.." Utal utal na usal niya, nagkatinginan naman ang tatlong katulong na gulong-gulo. Pero tumango rin sila.
Inalalayan ng isa katulong si Zoe na umakyat, Nasa hall sila ng biglang lumabas ang mommy ni Zoe, sa kwarto ng daddy at mommy niya.
Nagulat silang tatlo ng makita ang isa't isa, Lumapit agad yung mommy ni Zoe sakanya ng may pagaalala. Hinaplos nito ang pisngi ni Zoe, dahilan upang mangilid ang luha ni Zoe sa ginawa ng mommy niya.
"W-what happen baby?" Nagaalalang tanong ng mommy niya habang nakatingin ng deretso sa mata niya, dahilan upang iiwas ni Zoe ang paningin niya. Umalis naman ang katulong, dahil ayaw niyang makialam sa problema ng pamilya.
"T-this is n-nothing mom.." Sagot ni Zoe habang nakatingin sa baba ng paa niya, itiningala naman ng mommy niya ang ulo niya para matignan siya ng deretso sa mata nito.
Hinagod ng mommy niya ang likod niya, napayakap na lang bigla si Zoe sa mommy niya.
"Mommy, Ang s-sakit sakit!" Usal niya sa mommy niya, at duon na tuluyang naluha.Samantalang si Xander naman ay, Nagmamaneho pero hindi niya alam kung saan ang punta niya, dahil tulad ni Zoe. Naguguluhan din siya.
"This is sh*t! Fuck this!" Sigaw niya at napahampas sa manibela niya.
Nang, iwan niya si Zoe sa tapat ng bahay nito ay inaamin niyang nagiguily siya, pero.. ang pinaka iniisip niya ay yung ipakilala si Zoe as girlfriend niya, para lang sabihing okay siya sa harap ng pamilya niya..