CHAPTER EIGHTEEN

71 4 0
                                    

Tin's P.O.V

Calling Mommy ni Zoe...

"Mommy ni Zoe? Baliw talaga si Aya!!" Sigaw ko, ng makita ang caller I.d. Oo, si Tita Isa yan, at si Aya ang nangialam ng phone ko.

Bakit naman kaya tumawag si Tita?

Sinagot ko ang call. "Hello po?"

"Hi, Tiiin! I miss you, Yiieee!" Sagot ni Tita, Oo. OA din si Tita at dyan nagmana si Zoe minsan.
"Ahahaha! Napatawag po kayo? Diba po wala kayo sa mansion?" Dineretso ko na, baka humaba pa.

"No, We got here already, May favor lang sana ako sayo.." Parang nalungkot naman si Tita, Ano? Nangyari?

"Oh.. Ano po yun?"

"Henry and I are wondering, Napapansin ko lang minsan ngumingiti si Zoe, Lagi na siyang nakangiti. May nangyari ba?" Nagaalalang tanong ni Tita, nagtaka naman ako? Bakit kaya? Ah! Alam ko na!

"Relax Tita, Kami na po ang bahala ni Aya. Wait niyo lang po kami, bye." Pagmamadali ko, Hindi ko na hinintay makasagot si Tita.

Tinext ko agad si Aya na pupuntahan namin si Zoe. At um-Oo naman agad siya, Laging go yan! Kahit nga may sakit eh, basta may kalokohan. Walang pinapalampas yan. Aya pa ba?

Nagbihis agad ako at sinundo si Aya, sasakyan ko na lang ang gagamitin para tipid. Syempre joke yun, para masolo namin ang isa't isa. Pagsakay ni Aya, nagwink agad ako sakanya.

"Alam na.."  Aniya at nakipagapir sakin.

"Evil plans, Working again. Bwahahahaha!" Parang siraulong sabi pa niya, i-iling iling akong pinaandar ang sasakyan.

Nang, makarating kami sa bahay--este mansion nila. Pinapasok agad kami, kilala naman kami dito di na kailangan ng permiso. Inabutan namin si Tita na nagpepeducure ng sarili niya. Wala eh, simple lang siya.

"Tita!!" Pagpaparamdam ni Aya, nagulat naman si tita kaya nabitawan niya yung pangkutkot ng kuko niya. Haha. Ang epic ni Aya!

"*Hingang malalim* Aatakihin ata ko sayo bata ka!" Si Tita, hawak niya pa yung dibdib niya.

"Haha. Loko ka!" Bulong ko kay Aya.

"Haha. Welcome home po Tita! Nasaan po si Zoe?" Tanong niya.

"She's on her room, Watching some korean novels. Kailan pa siya nahilig dun?"

"Haha. Sige po, tita. Gotta go!" Pagpapaalam ko at hinila si. Aya

Umakyat agad kami ni Aya papuntang kwarto ni Zoe, Hindi na kami kumatok. Basta pumasok na lang kami, At inabutan namin ang gaga! Ayun umiiyak, pero nakangiti na nakadapa sa kama niya.

Perfectly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon