Zoe's P.o.v
Ilang araw na simula ng mapagpasyahan kong tapusin kung anong pwedeng konektado sakanya, Natatakot ako hindi dahil sinabi ni daddy na layuan ko siya kung hindi baka kapag lalo akong mapalapit sakanya mas lalo ko siyang magustuhan.
Pakiramdam ko mas lalo akong naiyak sa naisip ko. Oo, tama kayo umiiyak ako. Tinawag na ako ni mommy na kakain na daw pero sinabi kong wala akong gana yun naman talaga ang totoo eh. Mukhang nakakahalata na nga si mommy eh, dahil bihira ako lumabas ng kwarto, kumain at madalas daw hindi ko kinakausap si daddy.
Ang sama ko atang anak, Siguro yung mas nakakabuti lang rin naman ang gusto para sa akin ni daddy, Mas mabuting sumunod na lang ako. Pero, bakit ganto ang pakikitungo ko sa sarili kong ama?
*RING!*RING!*
Napatingin ako sa phone ko ng may tumawag, Kinuha ko ito sa tabi ng cabinet at tinignan kung sino ang tumatawag si.. Aya.
Hindi ko ito sinagot at ibinalik sa kinalalagyan niya. Simula kasi ng mga nangyari hindi ko na rin sila madalas kinakausap, Hindi na ako sumasama sakanila, dahil mas gugustuhin ko pang magtago sa library, at matahimik ang mundo ko.
*RING!*RING!*
Napatingin ulit ako sa phone ko, siya ulit. Napabuntong hininga ako. Hindi ko dapat iniiwasan ang kaibigan ko, Sila na lang ang meron ako. Dapat magisip ako. Sinagot ko ang tawag..
"Hello Aya?" Sabi ko ng masagot ko ang tawag. Nakarinig ako ng mabilis na paghinga sa kabilang linya. Kinabahan ako.
"Hello Aya? May problema ba?" Tanong ko ulit.
"T-thank god Zoe s-sinagot mo! Ppwede mo ba kaming puntahan ni Tin dito?"
"Ha? Bakit anong nangyari?"
"Sabihin mo na Aya! Kailangan na natin ng tulong!" Dinig kong sabi ni Tin sa kabila ng linya. Teka! Magkasama sila? Bakit kailangan nila ng tulong?
"U-uhm.. Zoe kasi..-- Naaksidente kami.." Sabi nito, at nanlaki ang mata ko at napatayo.
"ANO? NASAAN KAYO?" Sigaw ko, dahil sa sobrang gulat.
"Nandito kami sa may C5--" hindi niya natapos ang sasabihin dahil naputol ang linya, napatingin ako sa phone at sinubukang tawagan muli si Aya, pero nakapatay na ang phone niya. Nalobat siguro! Tsk!
Hindi na ako nagsayang ng oras pa, at tumakbo na palabas..
"Zoe saan ka pupunta?" Dinig kong tanong ni manang."Kailangan ko pong puntahan ang mga kaibigan ko." Sigaw ko pabalik sakanya dahil nasa may pinto na ako at nasa sala siya.
"Pero, gabing-gabi na?" Nagaalalang tugon niya. Pero hindi ko siya pinansin at nagtuloy sa parking at sumakay sa sasakyan ko. Oo, may sasakyan ako binili ito ni daddy nito lang, at medyo marunong na ako magdrive. Sana, hindi ako pumalpak ngayon.
Tinahak ko ang daan patungong C5, narating ko agad ito, at napatigil dahil may nakita akong bakas ng dugo, bumaba ako para kumpirmahin ito. Dugo nga, pero nasaan si Aya at Tin? Iniwan ko ang sasakyan at inikot ang daan. Madilim. Nakakatakot. Yan ang unang pumasok sa isip ko, pero kailangan kong lakasan ang loob ko, dahil para sa mga kaibigan ko ito.