Tristan's P.o.v
"Si Xander inaapoy ng lagnat.." Usal ko, dahilan upang mapaamang si Zoe. Haha, natatawa ako sa itsura niya.
Nagkatinginan kaming apat, at ayun parehas ko nagpipigil rin sila ng tawa.
Oo, pinagusapan naming apat to. Si Aya nga yung pinaka-choosy, Ayaw daw niya kong kausapin. As if naman gusto ko siyang makausap diba?-- Teka bakit ba tayo napunta dun? So, ayun nga. Pinagusapan namin to para mapalapit 'pa lalo' yung dalawa sa isa't isa.
Flashback..
Break na at napagpasyahan naming bumaba ni Blake. Habang nasa hall kami ang daming ngumingiting chix. Ganto ba talaga ako--este kami kagwapo? Nginitian din namin sila pabalik.
"Hi Blake.." Malambing na sabi ng isa sa mga chix kay Blake. Inismiran niya lang ito kaya siniko ko siya.
"Aray! Ano ba?" Reklamo niya.
"Gago ka ba? Babae na lumalapit sayo iismiran mo lang?" Bulong ko sakanya.
"Tsh! Nagugutom ako at hindi iyan ang makakapagpabusog sa mga bulate ko. Kaya tara na!" At nagpauna na siyang maglakad. Nahiya naman ako sa mga babae kaya ako na lang yung ngumiti sakanila. Parang nagpipigil naman sila ng ngiti pero hindi ko na pinansin pa at sumunod kay Blake.
"Kyaaaahhh! Ang pogi!" Dinig kong sigaw ng isa. Natawa naman ako, Ang gwapo ko talaga! Tsk.
Nang, makarating kami sa caf ay nahagip agad ng mata ko si Aya--Ay hindi pala! sila ni Tin. Dumertso lang si Blake at madadaanan namin ang pwesto nila Aya. Hindi nila kami napansin dahil busy sila sa pagkwekwentuhan.
"Kailangang, gumawa tayo ng paraan para magkalapit si Zoe at Xander!" Dinig kong wika ni Aya. Kaya napatigil ako sa tapat nila at humarap sakanila.
"At bakit kailangan niyong gawin yun?" Bulaslas ko. Natigilan naman sila ng makita ako lalo na si Aya. Haha! Ang epic niya magulat.
"A-anong bakit?" Kinakabahang tanong ni Aya, pero halata kong gusto niyang labanan yun dahil sa tono ng pananalita niya.
"Ikaw kasi ang ingay mo!" Inis na sabi ni Tin sakanya. Tinarayan lang siya ni Aya.
"Malay ko bang may chismosong baklang dadaan!" Pagpaparinig niya sa akin.
"Ano?" Inis na sabi ko sakanya.
"Tristan, ano ba?!" Inis na sabi ni Blake ng mapansin niyang hindi ako nakasunod sakanya.
"Babalik ako!" Pagbabanta ko sakanya.
End of Flashback..
Dahil sa madaldal na bunganga ni Aya, kaya namin napagusapan ang paglalapit ng dalawa. Gusto din kasi namin si Zoe para kay Xander.. Nagkasundo kami para sa mga kaibigan namin.