CHAPTER 1

37 7 14
                                    

Isang malamig na umaga na naman ang gumising sakin, ewan ko ba pero kapag talaga malamig sinisipag ako sa lahat. Yung iba ayaw ng naulan, nahihirapan sila kasi nababasa raw ang ibang gamit nila kapag papasok sa school. Pero syempre ako, wala sakin yon ang mahalaga gustong gusto ko ang malamig na panahon. Sanay na sanay ako sa lamig, kaya nga pati crush ko cold sakin hahaha!

"Anak? Gising ka na ba?" rinig kong tanong ni papa sa labas ng kwarto ko.

"Yes po Papa!", sigaw ko naman.

Hindi na sumagot si Papa, ganon naman yon pag alam na gising na ako, itutuloy niya ang paghahanda ng gamit niya papasok habang si mama naman ay naghahanda ng almusal namin.

"Good morning love!" natatawang bati ko sa picture ng crush kong tinatago ko sa likod ng diary ko na nasa loob naman ng drawer. Tagong tago yon, ayoko makita ng parents ko dahil bawal pa ako magboyfriend, syempre pati crush, kailangan makatapos ka muna ng pag-aaral.

Bumaba na ako para makakain na ng almsusal bago ako maligo. Hindi ako mahahatid ni Papa sa school dahil naulan ng malakas ngayon. Commute ako, pero ayos lang dahil isa pa sa gusto ko pag naulan hindi ayos lang sa ibang teachers na medyo mahuli sa klase since hirap makahanap ng sasakyan hahaha. Mabagal kasi talaga ako kumilos.

"Aalis na ako. Ikaw Andrea bilisan mo kumain dyan at baka malate ka na naman." nginitian at tinanguan ko lang si papa. Binigyan na muna niya ako ng allowance bago siya tuluyang umalis.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako para maligo.  Ang lamig. Ang sarap magbabad ng matagal sa tubig.

Kapag ganitong di ako nagmamadali, minsan nakikipagtitigan muna ako sa tubig tapos mag-iimagine kung ano ang mangyayari sa school, minsan nga naiimagine ko na kami ng crush ko hahaha.

"Ay palaka!", gulat kong sabi ng buksan ko ang cabinet ko at tumambad sakin ang picture ng crush ko. "Ano ba yan Love! Nakita mo pa akong nakatapis lang oh hahaha. Gwapo mo talaga!" mahinang sigaw ko na parang kinakausap ko talaga sya. Hayst, sumagot ka naman kahit sa picture lang, natatawang sabi ko pa sa kanya.

Nag-umpisa na ako magbihis habang nag iintay ng chat ng kaibigan ko. Palagi akong ganon, tatanungin kung may teacher na pero di pa rin kayang bilisan ang kilos kaya ending late pa rin. Kapag alam mong late ka na, enjoy the moment, wag ka nang magmadali.

Nakarating na ako sa school. Nasa hallway na ako ng biglang may humigit sakin, si Lesly bestfriend ko. Dinala niya ako sa may bulletin board, ang daming estudyante.

"Andrea! Lesly!", tawag ni Kyline na nasa unahan ng Bulletin board, siya ang bestfriend ko din.

"Ano bang meron?" nagtatakang tanong ko. "Wala bang klase kaya nandito karamihan ng students?".

Hindi nila ako sinagot, basta na lang sila may tinuro sa bulletin board. Nanlaki ang mata ko.

"TOP 1 IN ALL YEAR 1, TYLER LEO ESCUETA WITH AN AVERAGE OF 98.06", hindi ko alam pero bigla na lang akong naglulundag sa tuwa at hinigit paalis ang mga kaibigan ko.

"Uy kumalma ka nga! Palagi kang di kalmado e!", natatawang sabi sakin ni Lesly.

"Siya ang nag Top 1 hindi ikaw Andrea!" sabi naman ni Kyline habang natawa din.

"Bakit? Proud lang ako bilang future girlfriend niya hahaha"

"Future girlfriend, pero di ka naman naamin. Pano ka magkakachance niyan?" sabi naman sakin ni Lesly.

Nagtatawanan kami nang lumapit sa amin ang President ng klase namin.

"Pasok na kayo, maya maya dadating na din si Mam" sabi niya samin bago tumalikod.

Chasing the WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon