"Pagtakas sa Bilangguan"
Ni Author MaravillaMaayos na pinalaki at inalagaan
Matatag din ang pundasyong pinagmulan
Ngunit marahil marami ang naguguluhan
Kung bakit tila'y nakakulong sa isang piitanIsang kabataang matayog ang nais abutin
Ngunit tila'y nililipad lang ng hangin
Ang mga palaisipan niya't mga mithiin
Mga tanging bagay na dapat dingginNawa'y pakinggan ang kanyang pagdarahop
Ang hiling lamang niya'y kayo'y tumiklop
Panandalian lang siyang mananakop
Sa inyong mga isipang mas nakaaangkopKailanma'y iniibig niya kayo
Ngunit siya'y may sarili pa ring pagkatao
May isip, puso, at matatag na kamao
Kamaong kinukuyom, pighating pilit itinatagoMarahil masama ang inyong loob
Nagtatakha kung bakit parating nakakubli
Isang kabataan sa kanyang panukob
Ngunit ang tanong, ito ba'y kanyang piniliHindi takot, ngunit may pangamba
Alam ang gagawin, ngunit tila'y nawawala
Pilit na tinatanggal ang saradong paka
Gamit ang susi, upang makapugaMakapuga sa bilangguang pilit tinatakasan
Bilangguang kanyang naging tahanan
Bilangguang kanyang kinagisnan
Bilangguang pilit siyang ninanakawanNinanakawan ng kanyang tinig at lakas
Na para bang sorbetes na nahulas
Dahil sa init at tagal ng panahon
Maaaring mawala na, tanging pagkakataonNgunit kapalara'y maaari pang magbago
Dahil may sarili pa ring pagkatao
Balang araw, kabataa'y hindi na bilanggo
Na tila ba'y unang patak na ng ulan tuwing Mayo
YOU ARE READING
Poems (Compilation)
PoetryHere are a few compilations of my lovely and amazing poems written in both English and Filipino languages... feel free to read! Some of my works are also posted on my FB page: @authorxmaravilla "Poems" by AuthorXMaravilla is an ORIGINAL work by your...