______________________________________
"Salamin"
Ni Author MaravillaNoo'y humarap ako sa salamin
Salamin na ipinakita sa'kin;
Daang tatahakin, landas hahagkan
Hahagkan, mataas na paaralan.Harap sa salamin, gabi at araw
Kaututang-dila, anyong nakita
Nakita, miski isip, na gumalaw;
Kilos na parating nagsasalita.Kabuuan, nakita sa salamin
Subalit, tumanggi sa nakahain
Pilit na ikinukubli ang pilat
Pilat na tinataglay nating lahat.Sa salamin, patuloy ang pagtanaw
Pagtanaw sa landas na gumugunaw
Pangakong paghilom sa bawat isa;
Mapapako, salami'y lumabo na.Salamin na ngayo'y mahalumigmig
Mahalumigmig dala ng pag-ulan
Hindi tiyak kung kailan mananaig;
Mananaig, muli ang sinumpaan.Ngayon ay nakaharap sa salamin
Salamin na nakatarak sa akin
Ako'y kinikitil nang dahan-dahan
Mataas na paarala'y hahagkan.______________________________________
YOU ARE READING
Poems (Compilation)
PoetryHere are a few compilations of my lovely and amazing poems written in both English and Filipino languages... feel free to read! Some of my works are also posted on my FB page: @authorxmaravilla "Poems" by AuthorXMaravilla is an ORIGINAL work by your...