#11 (School Project)

86 0 0
                                    

Sandigan: NSTP
Ni: Author Maravilla

Lipunang retaso'y tinatagpi-tagpi
Ito'y nakaangkla sa sangkatauhan
Marikit o maton walang pinipili
Nagsisilbing tikas siya'y nagpapatahan

Kapag may unos na umulos walang dapat ikabahala
Maging alipin man sa banghay mayroon pa ring mag-aahon
Nananatiling nakatuwid binububog man ng tadhana
Lipunang retaso'y may tindig pinatitibay ng panahon

Inihahambing sa isang poste
Ang katatagan ng isang padre
Haliging tatag ang silbi nito
Sa may lipunang naging retaso

Isa rin siyang ina pigurang malapit
Kumakalinga rin laging may areglo
Tanglaw sa madilim baya'y umiinit
Lipunang retaso'y patuloy humayo

Hindi lang nag-iisa hindi lang tagatagpi
Hindi rin tumitindig at lalong umaangkla
Hindi rin lang siya saklay hindi rin nang-aapi
Sandigang NSTP suhay sa pagpupunla.

Poems (Compilation)Where stories live. Discover now