"Honesty is the Best Policy"
Ni: Author MaravillaSa lahat ng batang lumalaki sa mundo
Na hindi nila alam na puno ng gulo
Na walang nakababatid na may sakim
At mga taong nakukulong sa lihim
May isang batang natahimik
Dahil sa salapi ng magulang siya'y pumitik."Sino ang kumuha ng pera sa taguan ko?" Batid ng ina.
Si bata'y kunwari'y walang ginawa, ngunit sa huli'y nakapa.
"Anak, sabihin mo na ang totoo, ikaw lang naman ang nandito." Pagmamakaawa niyang muli.
Kinalaunan din na salapi ay naisauli
At si bata'y pinagsabihan, ngunit pinuri."Honesty is the best policy." Ayan nga ang turo sa akin ni ina!
Marahil sa mga batang dumadaan ay maraming nagtatakha
Kung bakit ako'y nasa pampaaralang hardin
At binabasa ang katagang sa pagkatao ko'y dumiin
Ika nga ni ina, "Honesty is the best Policy" o, ang katapatan ang isang batas na makapagbabago sa takbo ng magulong mundo.
Ngunit, totoo kaya ito?"Honesty is the best policy, pare. Umamin ka na kay ma'am at sir na nandaya ka sa exam." Batid ko kay pareng tulig.
"Bakit ko naman gagawin 'yon? Ayaw ko ngang bumagsak e kaya ayan na lang ang naisip kong paraan." Nanalig ang kanyang mga mata laban sa aking hilig.Ngunit hindi dapat ako bumigay
Sapagkat itinuro sa akin ni ina, na ang katapatan ang siyang gabay
Sa pamumuhay mo dito sa mundo, kung di man maaayos ang gulo
Kahit papaano'y hindi ka masasangkot
Dahil lubos kang tapat, di tulad ng madikit na kulangot
Kinalauna'y umamin kami ni pare
At sa paaralan, siya lang ay sinuspinde
Dahil sa aming katapatan
Hindi kami nasangkot sa mas malaking kaguluhan.Yun nga lang, sa huli, ang inakala'y mali.
"Honesty is the best policy. Huwag ka nang magpakatorpe, aking sarili! Kaya mo siyang harapin!" Pagpapatatag ko sa aking pumipintig na puso.
Sa gabi ng pagtatapos sa sekondarya
Sinulit ko na ang mga huling sandali
Baka sakaling maging payapa ang gulo
Na nananahanan sa aking maliit na sistema
Kahit alam kong ako'y tatanggihan, ako na lang ay nagbakasakali"Mahal kita, at ito'y huli na." Aking batid.
Napaigtad siya sa aking katapatan
Na gayundin namang nanumbalik at ngumiti nang tipid.
Ngunit sa aking pagtatakha, bigla siyang natahimik
At kaagad din, sa likod ko ay may balang pumitik.Naramdaman ko ang pag-agos ng pangarap ko palabas ng aking bibig
Ang pangarap na mabuhay pa dito sa daigdig
Nung ako'y nakahilata na, may nakapagsabi sa akin
"Sinungaling ka! Akala ko'y tapat kang kaibigan! May paniniwala ka pa na ang katapatan ang magwawakas sa gulo ng mundo! Hah! Mali ka na, dahil kung naging tapat ka man sa naramdaman mo, hindi ka naman naging tapat sa akin!""Honesty is the best policy" talaga ba?
Kaya pala nagkamali, kasi sumobra.
Ngayon ay wala na muling pag-asa
Dahil maibabalik na rin ako sa aking pinanggalingang lupa.
YOU ARE READING
Poems (Compilation)
PoetryHere are a few compilations of my lovely and amazing poems written in both English and Filipino languages... feel free to read! Some of my works are also posted on my FB page: @authorxmaravilla "Poems" by AuthorXMaravilla is an ORIGINAL work by your...