______________________________________
"Baybayin sa buong Henerasyon"
Main Author: Iris Almadin
Co-author: Yours truly
Idea outline: Blessy Crisostomo
Isang Reverse PoetryUsed for a twelve members group video presentation on Readings in Philippine History
April 25, 2021
-READ ALONG-
I.
Isinilang sa bansang matatagpuan sa timog – silangan,
May angking taglay at likas na kagandahan,
Bansang puno ng kultura at kay yaman sa kasaysayan,
Sinasalamin ng baybayinII.
Pinanday ang mga letra upang makabuo ng mga salita,
Mga salitang may pagkakaiba base sa sariling pinagmulan,
Isang malayang salita na may paksang pagmamahal sa wika.
Aking sisimulan sa isang kasabihan, kasabihang 'di kailanman mapaglulumaanIII.
Baybayin ang naging daan patungo sa malayang kinabukasan,
Sumisimbilo bilang instrumento ng kalayaan.
Gamit ang mga sandatang lapis at papel, sumulat, gumihit, tumula at nagpahayag,
Kumalat at patuloy na maglalayagIV.
Sa paglalayag ng wikang tanyag, Baybayin ang ating pinagmulan,
huwag hayaang makalimutan, patuloy na ihayag
Ang mga pahina ng kwaderno at nobela, muling sulatan ng baybayin.
Pagpapalaganap at pagkakakilalan ng wikang atin ang tunay na mithiin natin.V.
Henerasyong makabago, imulat niyo ang mga mata ninyo.
Huwag kayong madala sa mga banyaga at mabulag sa tukso,
Tangkilikin ang wikang baybayin,
Huwag kang makalimot sa wika mo, pulutin muli ang mga iniwang piraso.-NOW READ FROM HERE AND BACK TO THE TOP-
______________________________________
YOU ARE READING
Poems (Compilation)
PoetryHere are a few compilations of my lovely and amazing poems written in both English and Filipino languages... feel free to read! Some of my works are also posted on my FB page: @authorxmaravilla "Poems" by AuthorXMaravilla is an ORIGINAL work by your...