#12 (Dedikasyon)

91 1 0
                                    

"Kaarawan ni Lyra"
Ni: Author Maravilla

May munting ngiti at masiyahin
Yun ang mailalarawan kay Lyra
Tahimik man sa eskwelahan at mahinhin
Ngunit marami pang hindi mag-aakala

Na kilala ko siya bilang malakas at madiskarte
Sa sarili niyang ginagawa'y siyang maparaan
Kaakibat din nun ay may respeto, at kabutihang pinapamalas, na siyang nagpapasuwerte
Sa kaniyang may gandang dalagang Pilipina, na aki'y napupusuan

Bilang kapwa babae, sa iyong pagdadalaga'y ang tanging hiling ko
Na marating mo ang pangarap mo bilang isang guro
Nawa'y mas pagpalain ka ng Diyos sa kabila ng mga pagsubok
At mas lalo ka pang sumibol sa pagiging isang mabuti, masiyahin, at maparaang tao, na siyang buhay dalaga'y isusubok.

O Lyra, isa sa aking mga kapatid
Nandirito lang kami upang sandalan mo
Habang ika'y nagdadalaga at buhay ay mas humihirap lalo
Sa ating lahat ay walang mapapatid.

Poems (Compilation)Where stories live. Discover now