#7

89 1 0
                                    

"PhiloSophia"
Ni: Author Maravilla

Madalas nagmamasid sa gilid
Malayo man o malapit
Napapangiti nga lang nang mapait
Dahil sa pagkakataong ibinilibid

Hanggang kailan maghuhukay
Upang sa loob-loob ay mahimlay
Anim na talampakang agwat
Malalim pa sa naiwang sugat

Ang libingan ng sariling kagagawan
Na madalas magmasid sa gilid
Mapaaraw man o ulan
Kahit kaunting saya ang hatid

May dahilan at mga sanhi
Kung bakit madalas ang pagmamasid
Nawa'y malalim na ang hukay
Na paglilibingan nang sa tumigil na

Ang pagmamasid sa gilid
Kahit sa unahan man, gitna, o likod
Wala rin namang magbabago
At hindi mo na maibabalik ang bagyo

Muling nagmasid, ngunit 'di na sa gilid
At siguro ay sa alaala na lang
Sa anim na talampakang lalim magtatapos
Ang kaunting saya sa pagmamasid sa pagkakataong ibinilibid.

Poems (Compilation)Where stories live. Discover now