"Alas Onse ng Gabi"
Ni: Author MaravillaBumubulong sa gabing malamig
Pinipigil ang malalakas na hikbi
Parati nang tinatago sa dilim
Ang mga misteryong kumikitilSarili lang ang nakaaalam
Sarili lang din ang dadamayan
Sarili lang din ang may pakilasa
At sarili lang din ang nakikitaLahat ng pagsisisi at kalungkutan
Binubulong sa gabing malamig
At parati nang tinatago sa dilim
Lihim na pumapatay sa aking kaloobanSarili na ang gagawa ng paraan
Sarili na rin ang mag-aayos
Sarili na nga ang nanlilimos
At nawa'y sarili ay maipagpatuloyPagyakap sa sarili'y bawas-lumbay
Habang bumubulong sa gabing malamig
Sarili lang ang makapagpapatahan
Sa mga palaisipang nagtatago sa dilim
YOU ARE READING
Poems (Compilation)
PoetryHere are a few compilations of my lovely and amazing poems written in both English and Filipino languages... feel free to read! Some of my works are also posted on my FB page: @authorxmaravilla "Poems" by AuthorXMaravilla is an ORIGINAL work by your...