INTERVAL 11: The right woman?

612 16 0
                                    

"HAAY lunes na naman..." Tiningnan ni Kisha ang kanyang buong katawan. She's wearing a simple office attire at naka-ponytail ang kanyang buhok. Tiningnan niya muli ang kanyang sarili sa salamin. She suddenly blushed nang maalala niya ang masarap na pancake na kanyang natikman sa buong buhay niya. She admired the sweet gesture na ipinakita sa kanya ni Kissenger subalit hindi parin nawawala ang inhibitions at takot sa kanyang sistema. Takot parin siyang umibig at ibigay ang kanyang puso sa kahit sino man.

She's thirty years old and her body is not pure anymore but at least her heart is still intact. Subalit ang buong puso niya ay naghahanap at gustong buksan para sa isang taong deserving sa kanyang pagmamahal at puso.

Huminga siya ng malalim at dinampot niya ang kanyang shoulder bag at isinukbit niya iyon sa kanyang kanang balikat.

Sa Veltran Private Accounting Firm.

"Coffee? Break muna tayo girl! Tsaka you owe some untold stories. Wag kang mag-alala treat ko dhai!" Hinila ni Nanet si Kisha palabas ng kanilang office.

"Starbucks...huh!" Naka-ngiting turan ni Kisha.

"No problem, basta ang buong detalye dhai, huh?!"

"Bakit ayaw niyo 'kong tantanan? Bakit hindi nalang kayo mag-hire ng spy na bubuntot sa akin at nang malaman mo lahat ginagawa ko, Nanet!"

"Easy ka lang dhai,...'lam mo may mga bagay na masarap pakinggan kung mula sa original source, hmm. Tsaka, wag kang KJ, what are friends are for?"

"Iwan ko sayo...teka nga pala! Bakit kayo umuwi noong gabing iyon? Akala ko ba do'n kayo matutulog sa apartment ko."

"Sakay na muna, nandito ang taxi sa harap natin, oh. Galawang hokage 'yon bakla! HAHA"

"Demonyo ka! Anong hokage ang sinasabi mo?"

"Ahh basta shut-up na muna besh nadi-distract si Manong Driver...Manong Starbucks po kami, larga!"

Hindi na umimik si Kisha dahil alam niyang talo siya. Ang kulit kasi masyado ni Nanet, palibhasa'y babaeng bakla.



"OMG, so your back gurl!" Maarting turan ng isa sa mga kaibigan ni Sofia. Nasa gazebo sila ng College of Hospitality. Sa totoo lang mukha itong student lounge or kiosk.

"Ano sa tingin mo aparasyon lang ang nakikita mo! Of course nandito ang katawang diyosa ko! So kumusta naman kayo anong balita sa hinayupak kong boyfriend? Nagawa niyo ba ang task niyo?" Nakahalukipkip ang magkabilang kamay nito habang nakatitig sa tatlo niyang mga alipores.

"Ganon parin naman. To summarized it out puro bar lang naman ang inatupag ng pinakamamahal mong Kissenger!"

"Tsk! Sinasabi ko na ngaba...He's a big liar. BULLSHIT! Anyways, I will throw a party this Wednesday. I want you guys to prepare everything. Daddy let me barrow his golden card!" Sabay wasiwas ng platinum master card slash credit card ni Sofia sa mga kaibigan. Namilog naman ang mga mata ng kanyang mga muchacha.

"Listen you girls! During that night...guess what? I will announce to the crowd na we are officially dating ni Kissenger Arden. Gusto ko wala ng aaligid sa lalaking iyon. Akin lang siya!" Ngumisi ng makahulugan si Sofia bago tumalima sa gazebo at sumunod naman ang kanyang mga alipores sa kanya.

Anak ng isang mayaman na negosyante si Sofia. Lahat ng kanyang luho ay kanyang nabibili. Ngunit lingid sa kaalaman nang iba, she's a big brat!



"REALLY, ang sweet besh! Anyways, ano ang status niyo? May label na ba? Kayo na ba?" Excited na tanong Nanet sa kaibigan na biglang natigilan sa pag-inom ng kanyang Red Velvet Milktea.

"Parang pinagluto lang ng pancake...may label na agad! Nag-magandang loob lang yon." Napairap si Kisha kay Nanet at humigop ng milktea at ninamnam ang sarap ng Red Velvet Flavor. Kibit balikat siyang umiling sa kaibigan. Naningkit naman ang mata ni Nanet at muling nag-salita.

"Susss...bakla tama na ang pagiging-Maria Clara mo! 2020 na oyy! Ano kaba pinag-iiwanan kana. Mga babae ngayon lahat may sinasabi na sarili. Liberated na! Marami na ang pakangkang, Diyos ko dhai! Parang nasa Kabihasnang Sumer ka pa."

"Sige na, sige na...I am contemplating you know. I should weigh things perfectly. Alam mo naming takot akong madihado. Yes! I am longing for a man to love me. Hindi ko gusto na ngayon ako papalya knowing how old I am now." Mahinahong saad ni Kisha habang matamang nakatitig sa kaibigan.

"Hindi ka naman siguro na trauma, ano? Alam mo kasi ang pag-ibig ay parang sugal yan, paminsan-minsan itataya mo ang huling pera na nasa wallet mo dahil inaakala mong kaya mo pang makabawi. Ngunit dalawa ang pweding resulta sa ginawa mong disisyon. Una, ang mabawi mo ang puhunan na iyong inilagak ngunit dihado ka parin. Pangalawa, ang matalo ang huli mong pusta at tuluyan kang hindi na makabawi at sa huli lalamunin ka ng pagsisisi. Ngunit ganon paman yan ang riyalidad. Ang pag-ibig ay parang sugal, maaari kang madihado at Manalo."

Malalim na hininga ang isinagot ni Kisha sa kaibigan. Paano ang susugal kung simula palang ng laro ay takot na akong matalo? Ako ay nasa pagitan ng mga salitang DUWAG at TAKOT." Sabi niya sa kanyang isip.

"Salamat besh!" Maikling sambit ni Kisha.

"Hay nako, so much for this kadramahan. Basta alam mo besh nandito lang kami ni Rosita natutulong sayo kung sakali mang handa kanang sumugal."



"HIMALA yata hindi ka nagyayang mag-bar ngayon ahh!" Puno ng pagtatakang sabi ni Clark.

"Pagod lang ako pre, I am sorting out my feelings kasi. Na-guiguilty kasi ako. Feeling ko gumawa ako ng malaking kasalanan." Pasalampak siyang umupo sa cushion at bumuga ng malalim na buntong hininga.

"Parang timaan ka ata sa babaeng iyon pare...! Masamang pangitain iyan, haha!" Natatawang umupo si Clark sa katabing cushion at nakangising tinitigan niya ang kaibigan.

"I have to sort out this feeling pare. I know I was charmed by her innocent looks. I treasured the thing na ako ang naka-una sa kanya."

"WHAT!!!" Biglang napasigaw si Clark at namilog ang mga mata dahil sa gulat.

"Holy shit! Jackpot 'yon! But I remembered something you said "Ang unang babaeng maikakama mong virgin ay hindi mon a pakakawalan." So parang mangyayari ata ang sinabi pre." Hindi parin mawala ang amusement sa mukha ni Clark. Samantala ang kaibigan niya ay walang mayaw ang paghilot nito sa sintido.

Kailangan niyang kilalanin si Kisha para malaman niya kung anong klaseng babae ito. Isang bagay ang natuklasan niya sa babae noong umagang iyon.

"She's pure and innocent but mature. Pero sa inosente niyang mukha nagkukubli ang takot doon"

He wanted to figure it out but her eyes are too deep to penetrate in. Nasaksihan niyang lumuha ang babae nang matikman nito ang niluto niyang pancake. He was touched and he liked the feeling that somebody loved his cooking aside from his mother. Cooking pancake is his expertise. Ito ang bonding nila ng Mommy niya when he was younger. Memories of his childhood always lingers in his mind when he cooks pancake.

"I think you found the right woman for you! Congrats!" Huling sabi ni Clark sa kaibigan bago ito pumanhik sa kanyang kwarto.

"I don't know yet!" He murmured while intently looking in the ceiling.

Hot IntervalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon