NOTE: This chapter contains mild sensual scenes. Read with an open mind. Thanks!
Unang bumitaw si Kissenger sa nakakahapong halikan. Napangiti siya sa kanyang utak nang mapagtantong naging mapanglaban ang babae sa bawat sunggab niya ng halik. A good kisser is a good teacher. Hindi niya lubos akalain na eksperto na ang dalaga sa pagtugon sa kanyang mga hayok na halik. Pilyo niyang pinasalamatan ang sarili.
For the record, that was an epic moment in his entire life. Alam niyang naging marahas siya sa bawat paghalik niya sa labi ng babae na tila isang masarap na pagkain na ayaw niyang ipamahagi sa iba. That was the sweetest nectar he ever tasted. Nakaka-addict!
He rested his partly parted lips sa noo ng dalaga. Ramdam niyang nakapikit ang mga mata ni Kisha matapos ang marubdob na sandali. Napawi ang lamig na kapwa nilang nararamdaman na dulot ng ulan.
“I’m sorry…” Turan ni Kissenger sa namamaos na boses.
“Your friends told me everything. ‘Wag kang mag-alala I already fixed everything. Pinutol ko na ang relasyon namin ni Sofia. I hope this will answer all your doubts and mend your hurt feelings.” Pagpapatuloy ni Kissenger.
Hindi umimik si Kisha. Hinayaan niyang magsalita ang lalaki at depensahan ang sarili nito. Sa totoo lang ay wala naman siyang karapatang magalit dahil malabo pa ang lahat sa pagitan nila. Higit sa lahat siguro mas may karapatan siya kung may label na sila. Nagalit lamang siya nang malaman niyang si Sofia ang nasa picture.
Isiniksik niya ang kanyang mukha sa dibdib ng lalaki. Sapat na ang sinabi ng nito upang bigyan ito ng pagkakataon.
"The rain will be the witness of my sincerest feelings. Can you be my GIRLFRIEND?"
Namilog ang mga mata ni Kisha at biglang rumagasa ang mga luha roon. Tama ba ang kanyang narinig? Gusto ng lalaki na maging girlfriend siya? Bumitaw siya sa pagkakayakap upang makita niya ang mga mata ng lalaki. Naniniwala siya na ang mga mata ay lagusan patungo sa puso ng isang tao. Malalaman niyang hindi ito nagbibiro at nagsisinungaling sa tunay nitong nararamdaman.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo habang hindi mo pinapatid ang mga titig mo sa 'king mga mata. Baka nabibigla ka lang. Ayaw ko kasing umasa Kissenger." Matapang na sabi ni Kisha. Hindi niya lubos maisip na ganon kahaba ang tinuran niya upang masigurado ang kanyang narinig na mga kataga mula sa lalaki.
"CAN YOU BE MY GIRLFRIEND?" Dahan-dahan na binigkas iyon ni Kissenger. The sincerity and the desire was very evident.
Lumundag ang puso ni Kisha. Panahon na siguro upang pawiin ang takot sa kanyang puso. She is in a middle of many uncertainties pagdating sa pag-ibig kung kaya ganon na lamang ang reaksyon niya.
"Alam kung mahirap sagutin ang tanong ko. Sana bigyan mo ako ng pagkakataon na panagutan ka. Hinahabol ako ng aking konsensya kapag naaalala ko ang unang gabing naangkin kita." Kissenger sounds very apologetic. Inangat niya ang kanyang kanang kamay upang hagurin ang pisngi ni Kisha habang nakatitig siya sa mga mata nito.
"Paano ako makakasigurado na ligtas ang puso ko sayo? Na hindi mo 'ko sasaktan? 20 years old ka palang. You're not even matured enough to decide and sort out things. Kailangan kong makasigurado sa bagay na 'to. Takot akong maiwan sa ere at maiwan nang mag-isa. I've been living alone for so long. Walang nag-aaruga't nagmamahal. Siguro nawala na sa aking isip kung ano ba ang pagmamahal na ito." Nagulat si Kissenger sa kanyang narinig. Napayuko siya habang nakapikit ang mga mata. Nagulat siya dahil hindi niya ini-expect na babanggitin nito ang edad niya na hindi pa siya matured.
"And your 30 years pero takot ka parin na sumubok. Look, I know marami akong mga relasyon na hindi seniryuso ngunit hindi 'yon basehan upang hindi ako maging mature sa edad kong 'to. I can assure you na hindi lahat ng 20 years old ay isip bata. Na hindi kayang mahalin ang 30 years old na katulad mo. Inabot ako ng magdamag upang malaman ang tunay kong nararamdaman. Maybe I'm so fucked up na hindi ko na-realized nang maaga na may puwang ka na sa 'king puso. Na mahal na kita! Sino ang mag-aakalang ikaw lang pala ang magpapabago sa akin." Hindi mapigilan ni Kissenger na hindi maging emosyonal sa kanyang mga sinabi.
BINABASA MO ANG
Hot Interval
RandomHe's 20. Young, handsome, fresh and with EXPERIENCE at may malaking S sa huli! He is a sex addict, magaling magpatirik ng mata in short MAGALING SA KAMA! She's 30. Takot masaktan at umibig. With ZERO EXPERIENCE and CERTIFIED VIRGIN. Ang nakakatawa p...