INTERVAL 10: Pancakes

724 17 2
                                    

Nagising si Kisha dahil sa malakas na ingay galing sa kusina ng kanyang apartment. She breath heavily while blinking her swollen eyes, she doesn't have enough sleep. Bakas ang pagod sa kanyang mukha. Sinapo niya ang kanyang ulo dahil nakaramdam siya ng kunting kirot doon. Napakagat labi siya, she's definitely sore down there!

"Kisha anong kalokohan nanaman ang ginawa mo? Bakit hinayaan mong may mangyari ulit sa inyo ng lalaking 'yon?! Naka-tatlo pa talaga?!" Buong inis niyang kastigo sa sarili. Umupo siya sa kanyang kama para usisain ang kanyang katawan. Nagpasalamat naman siya nang napansin niyang nakadamit pantulog siya. 'Teka! Sino ang nagdamit sa 'kin?' Maagap niyang puna nang mapagtantong may saplot nga siya.

"Shit! Shit! Kisha nakakahiya ka talaga!" Nagmamaktol niyang sabi sa sarili habang pinag-iinitan niya ang kanyang kawawang unan. Mariin siyang bumuntong hininga.

Wala siyang karapatang magsisi ngayon dahil simula palang ay binalaan na niya ang kanyang sarili na huwag malunod muli sa mga haplos at pilyong ngiti ng lalaking iyon. Ang hirap kontrolin ang nag-iinit nating katawan. Kapag ikaw ay nadarang, siguradong ikaw ay magliliyab! Ito ang nararamdaman ni Kisha tuwing dumadampi ang mainit na palad ng lalaki sa kanyang mga balat. Animo'y naglalakbay ang init mula sa dulo ng kanyang buhok hanggang sa kanyang mga paa. Nakakabaliw!

Ibinaling niya kanyang mga mata sa kanyang kama. Gusot ang kanyang bedsheet. Ang kamang mahigit sampung taon na niyang hinihigaan mag-isa ay naging saksi nang muli siyang nagpaubaya sa lalaking hindi niya pa lubos na kilala't batid ang tunay nitong pagkatao.

Tumingin siya sa pintuan ng kanyang kwarto na parang tumatagos ang kanyang paniningin doon at inuusisa ang mga munting kaluskos galing sa kanyang kusina.

"Aga-aga, eh! Mga salbahi talaga!" Tukoy niya sa mga pasaway na daga na hindi maubos-ubos kahit ilang lason at pain pa ang kanyang ilagay sa buong sulok ng kanyang apartment.

Bago siya magpasyang lumabas sa kanyang kwarto, pumasok muna siya sa kanyang banyo upang maghilamos at mag-toothbrush. Nang matapos, tinali niya ang kanyang buhok at ang mga takas na hibla ay pininid niya sa likod ng kanyang mga tainga. Linggo ngayon kaya kailangan niyang tapusin ang gawaing bahay para bukas wala na siyang problema maliban sa traffic at tambak na trabaho sa kanilang opisina.

Dahan-dahan siyang lumabas sa kanyang kwarto upang hindi siya makagawa ng ingay at kaluskos. Matatalas pa naman ang pandinig at pang-amoy ng mga hayop na 'to. Kailangan niyang maabutan ang mga hinayupak na daga at nang mapalo ng dala-dala niyang tambo. Kailangan niyang gumanti dahil namumuro na ang mga 'to.

Ngumisi siya dahil sa unang pagkakataon ay makakaganti na siya! Inangat niya ang dala niyang walis tambo na parang baseball bat. Hinigpitan niya ang hawak rito.

Namilog ang kanyang mga mata dahil sa gulat! Hindi daga ang na sa kanyang kusina! Nabitawan niya ang kanyang dalang walis tambo at gumawa ito ng ingay at doon lamang bumalik sa tamang huwisyo ang kanyang isip.

"Hi good morning!" Isang baritonong boses ang bumalaga sa kanya. 'Anong ginagawa ng lalaking ito dito? Akala ko umuwi na 'to sa kanilang bahay?' Aniya sa kanyang isip. Hindi siya kumibo, tumitig lamang siya lalaki na ngayon ay ibinalik ang buong atensyon sa ginagawa.

"Is he cooking? Tanong niya sa kanyang sarili. "Obvious ba Kisha? Hndi ko alam bulag ka pala!" Kastigo naman ng kanyang isip. Nairita siya nang makita niya ang pink apron na suot nito na may drawing na panda. Paborito niya iyon, FYI! Pero hindi siya kumibo ulit. Natutuod siya dahil hindi pa siya nagkaka-recover mula sa gulat.

"Gosh bakit ang hot niya sa apron na yan? No, no, no! Erase, erase...Kisha!" Hindi mo masisisi si Kisha dahil ang lalaking nasa harap niya ay walang damit pang-itaas at ang maswerte niyang apron at tinatakpan ang six pack abs nito. She's losing her sanity at the moment! Para siyang nakakita ng aparasyon ni Pietro Boselli.

Goodness gracious! His luscious biceps flexed when his right arm lifted the pan! Napapikit ng mga mata si Kisha at lumunok siya ng laway dahil sa tension na kanyang pinipigilan.

"What is happening to me! God nababaliw na ba ako?" Muli niyang puna sa sarili habang hindi pinapatid ang kanyang mga titig sa lalaki. Oh no! Gusto niyang punasan ang mga braso at mukha nito na may mga butil ng pawis.

Napailing siya nang bumuhos ang mga eksinang nangyari kagabi. That god-like body made her insane and put her into deep slumber. Pinagod siya nito dahil sa sarap na paulit-ulit mong titikman at lalasapin.

"Are you done staring at me woman? The breakfast is already served!" Naka-smirk na sabi ni Kissenger kay Kisha. Napanganga naman ang huli at muli itong lumunok ng layaw. Napaatras ng kunti si Kisha dahil isang hakbang nalang ay maglalapat na ang kanilang mga mukha. 'Ano ba ang gustong mangyari ng lalaking 'to?' Naiirita niyang sambit sa kanyang isip.

"Bakit ka nandito? Ano ang karapatan mong pakialaman ang kusina. At nagluto ka pa talaga?! For your information I can cook my breakfast ALONE!" Mataray niyang sagot at diniinan niya ang huling salita.

"I know you can cook. Hindi ka ba napagod kagabi? I cooked breakfast for you because I know you're tired." Nakangiti nitong turan habang pilyo itong nakatitig kay Kisha.

Pinamulahan ng mukha si Kisha at mabilis na umismid. "What are you saying?" Buong tapang niyang hinarap ang lalaki. Kaya pa kaya niyang tiisin ang tension sa kanyang katawan? Any moment from now maaari siyang mabuwal sa kanyang kinatatayuan dahil nanginginig ang magkabila niyang mga paa.

"What is the tantrum all about? You eat your breakfast and I will leave, Ok?" Masuyong turan ni Kissenger. She sealed her lips and kept her feet on the ground.

Hindi na malayan ni Kisha na nasa likod na niya si Kissenger. She stiffened when suddenly the hands of Kissenger are on her shoulders. "Come on woman...walang lason 'yan kaya huwag kang matakot. Don't worry I'll go home and take a morning shower."

Ramdam ni Kisha ang mainit nitong hininga sa kanyang leeg. Nagpatianod siya sa lalaki habang marahan siyang tinutulak nito papuntang dining table. Napansin niya agad ang mga pagkaing nakahain sa lamisa. Hindi niya maiwasang pamilogan ng mga mata. Kissenger cooked a layer of pancakes with dripping chocolate syrup on top, cheesy omelette and on the side are slices of Spanish bread.

Napako ang kanyang mga mata sa pancakes. She's craving for this. Hindi niya kayang magluto ng breakfast kapag working days dahil wala siyang panahon. Kaya ang madalas niyong ihain ay iyong mga instant na pagkain dahil hindi iyon kumukunsumo ng oras. She's living alone for fifteen years mula nang pumanaw ang mga magulang niya. Her both parents died due to natural causes. Halos magkasunod lamang itong pumanaw. Her Papa gone first. Ang Mama niya naman ay inatake ng hika at binawian ng buhay sa hospital. Mula noon hindi na niya naranasan ang kumain ng breakfast na luto ng iba.

Nakaramdam siya ng saya at lungkot. Happy because somebody cooked breakfast for her and at the same time sad because she badly missed her parents. Maya-maya pa ay hindi niya namalayan ay naka-upo na pala siya. Mabilis niyang nilingon si Kissenger. Wala na ang lalaki sa kanyang likod. She smiled and pulled near her the pancakes. Kumaha siya ng isa at inilagay sa platito.

"Ang sarap!" Bulalas niyang sabi. "Why I am crying for God sake? Nababaliw ka na Kisha. Miss ko na kayo Mama, Papa." Mabilis niyang pinahid ang mga luhang tumulo sa kanyang mga mata. Naubos niya agad ang isang piraso at kumuha agad siya ng pangalawa.

Hindi niya alam nakatingin sa kanya si Kissenger. "Should I cook pancakes for you every morning?" Ngumiti siya bago tinungo ang bahay.

Hot IntervalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon