INTERVAL 26: The things that are worth fighting for

279 4 0
                                    


Hindi mapakali at makapag-concentrate si Kisha sa kanyang trabaho. Mabigat ang kanyang loob at damdamin matapos malaman ang balita na gumulantang sa buo niyang pagkatao. She's confused. Ang tapang at takot ay tila naglalaban sa kanyang dibdib. Hihinga nang malalim at dahan dahang ibubuga ang hangin sa kanyang bibig. Pinipilit niyang huminahon upang maitago ang problema kahit sandali. Ngunit ang kaba at takot ay unti-unting bumabalot at lumulupig sa kanyang buong sestima.

Nawalan siya ng gana at enerhiya upang magtrabaho. Ang oras ay tila hindi tumatakbo. Hindi niya maintindihan ang binabasang dokumento kahit tatlong pahina lang ito. She's keeping an eye on her digital clock. She's frustrated! Kung hawak niya lang ang oras ay hindi siya magdadalawang isip upang hilain ito at nang umusad ng matulin.

Napalingon si Nanet sa kaibigan. Mula sa kanyang cubicle ay dinig niya ang malalalim na buntong hininga ng kaibigan. She wonders why. Alas diyes beinte na nang umaga. Usually kapag Lunes ay marami silang ginagawa. Madalas ay nakakaligtaan nilang kumain ng lunch sa tamang oras. Sometimes a 5 or 7 cups of coffee will help them throughout the taxing day.

Kanina pa gustong lapitan ni Nanet ang kaibigan ngunit hindi pa oras ng kanilang break. Ilang minuto ang lumipas nang mapansin ni Nanet ang kaibigan na nakayukong tumatakbo papuntang CR. Ang kanang palad nito ay nasa kanyang bibig. Hindi nakaligtas sa pandinig ni Nanet ang munting hikbi at pagsinok ng kaibigan kung kaya napaangat siya sa kanyang pagkakaupo upang habulin ng kanyang paningin at usisain ito.

Mabilis na sumandal si Kisha sa likod ng pintuan ng CR. Kagat labi at impit niyang pinakawalan ang emosyong naghahari sa kanyang dibdib. She's expecting a usual relationship problem like Nanet and Rosita had experienced. Ang ilan sa mga ito ay walang oras sa bawat isa. Relasyong puro libog at sex lamang. One-sided feelings. Naging panakip butas at ginamit lang. Naging biktima ng pustahan. Third party at marami pang iba. Hindi mabilang ng kanyang daliri ang problemang maaaring pagdaanan ng isang tipikal na relasyon. In her 30 years of existence hindi man niya naranasan ang lahat ng iyon ngunit sa papaanuman she made herself be oriented and aware of those things by reading novels and poems, watching dramas, and even reading news feeds from social media.

But knowing those things put her heart into misery and even trauma. Being aware of many things would lead you to many what ifs and doubts. And in her case, natakot siyang magmahal at mahalin. Tumagal ang takot na iyon sa loob ng maraming panahon. Her heart remained dormant like a volcano. Ngunit nang magtagpo ang landas nila ni Kissenger, ang natutulog at tahimik niyang puso ay bigla na lamang uminit, nag-alab at nagising. One touch, one kiss, and one mischievous smile the fear sealing her heart vanished and was replaced by desire and burning passion.

"I l-love you K-kissenger." Ang naisatinig ni Kisha habang umiiyak. She's gripping her both hands tightly.

"Kish? Beshy are you okay?"

She's expecting Nanet to follow her. Mabilis siyang nagtungo sa sink upang maghilamos.

"Hey may problema ka ba? Let's talk about it baka makatulong ako." Ani Nanet na kapapasok lang sa loob ng CR.

"Wala. Siguro dadatnan ako kaya I have this sudden mood swings." Pagsisinungaling ni Kisha. Napakunot noo naman si Nanet sa kanyang narinig.

"Kisha your not good in lying and you know that. Come on spill that out."

"I'm Ok Nanet. Thank you for your concern." Pinilit niyang ngumiti. A fake smile but the most deceiving one.

"No thanks. Kaibigan mo 'ko at tama lamang na damayan kita sa oras ng problema at kagipitan. Palagi mong alalahanin na nandito lang kami ni Rosita na handang damayan ka. Ok?"

"Thank you." Sabay yakap ni Kisha sa kaibigan and Nanet hugged back.

"Hindi ko alam na ang drama mo pala kapag malapit na ang menstrual cycle mo. Nakakaloka!" Bumitaw si Nanet sa yakap.

Hot IntervalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon