INTERVAL 18: Karibal

432 12 4
                                    

"Nasaan ka ba na bakla? Ang totoo OTW ka na ba talaga?" Naiinip na sabi ni Nanet. Kausap niya ngayon si Rosita sa phone.

"Wait lang bakla, medyo naipit kami sa traffic. Kunting kembot nalang nandiyan na ako." Sabi ni Rosita sa kabilang linya.

"Siguraduhin mo lang. Kanina pa kami naiinip dito, kulang nalang bumaligtad ang mga mata namin ni Kisha dahil sa tagal mong dumating."

"Oh siya sige na. Malapit na ako 'wag nang mainit ang ulo baka masira ang beauty mo ghurl! Mahirap na baka mawalan ka ng boking."

"Wala akong pakialam basta nagugutom na kami sa kahihintay sayo kaya bilisan mo!"

"Oo na...bye!"

"Wow lakas mag-end call!" Rumulyo ang mga mata ni Nanet at buong inis niyang inilapag ang kanyang phone sa misa.

"Oh ano raw? Dadating raw ba siya?" Tanong ni Kisha na kasalukuyang tiningnan ang kanyang leeg sa isang maliit na salamin.

"Iwan ko sa baklang 'yon basta malapit na raw siya! Oh diba hindi na gaanong halata ang mga marka sa leeg mo." Biglang puna ni Nanet sa leeg ni Kisha.

"Yeah...thanks to the concealer."

"Sabihin mo nga sa 'kin, may nangyari nanaman ba sa inyo ng lalaking 'yon? Be honest bakla!"

"Ah-eh! Paano ko ba sasabihin?"

"So...sa madaling sabi. Meron nga!"

Hindi na pumalag si Kisha sa kaibigan dahil nakita na nito ang ebidensya na akala niya ay allergy reaction lamang.

"I see...ang wild naman ni Papa Kissenger. Hindi ko alam na bampira pala siya." Pilyang turan ni Nanet na ikina-asiwa ni Kisha.

"Huwag nga natin pag-usapan ang bagay na 'yan. Daming tao, oh!"

"Tss hayaan mo sila. Wala silang pakialam and besides hindi naman tayo kilala ng mga 'yan."

Sa isang sikat na restuarant sila nagtungo upang mag-dinner. Pasado alas siete na nang gabi kung kaya nag-aalburuto na ang tiyan nila.

"Kahit na. Ang pangit naman kung dito tayo mag-uusap ng mga bagay na sensitibo na ako ang bida."

"Wow huh! For your information ang boring kaya ng estorya mo hahaha. Kung yan lang din ang ikasasaya ng mga kaibigan mo mag-share ka naman. You know...your secrets are safe with us!"

"Hey! Wag mo ang akong bulahin. Alam ko na ang takbo ng usapang ito."

"Hehehe...naka-ilang round ba kayo-Ouch!"

"Sabing tama na!!!"

"Aray ko naman! Lately ang bibigat na ng mga kamay mo parang battered frenny lang peg ko...ganon?!"

"Ang kulit mo kasi. Nakakagutom ka 'lam mo ba yon?"

"Gaga! Kanina pa tayo gutom, no. Tss walang hiya kasi 'tong Rosita na 'to mas masahol pa sa 'tin kung kumilos."

"Hmm...umorder nalang tayo para pagdating niya luto na 'yong order natin baka maghintay pa tayo ng ilang oras at matuluyang bumaligtad ang mga mata natin sa gutom."

"Nice idea! Hahaha pero dapat kanina pa. Tanga lang natin, no?"

"Wag mo ako isali sa NATIN mo...kaw lang!"

"Ang nagsalita ang HINDI raw tanga!" Pabulong na sabi ni Nanet habang nagmi-make face.

Ting!

Tumunog ang phone ni Nanet. May bagong message notification sa kanyang SMS inbox.

Hot IntervalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon