Note: Sex scenes in this chapter is mild! The author make it this way.
Hindi masabi ni Kisha kung ang pawis sa kanyang noo ay dulot ng kaba o excitement na hindi niya alam kung saan nang galing.
Matapos punasan ang sariling noo ay humarap siya sa pintuan at ibinaba ang tingin sa doorknob.
1...2...3...! Tila naging musika ang tunog ng doorknob at bisagra ng pintuan.
Awtomatikong naglapat ang kanilang mga mata na tila mga bato balaning pinagtagpo. Ngunit mabilis siyang bumitaw dahil takot siyang malunod sa titig nitong tila tumatagos sa kanyang kalamnan.
"Hi..." Bungad na sabi ni Kissenger na may mapupungay na mga mata dulot ng alak.
Isang tipid ngunit sinserong ngiti ang siyang naging sagot ni Kisha dahil tila umurong ang kanyang dila sa kanyang bibig.
Niluwagan ni Kisha ang pintuan at pinilit niyang ibinabalik ang sariling utak sa tamang huwisyo.
"P-pasok ka." Alok ni Kisha rito habang nakayuko. Muli siyang tumingala nang mapansin niyang hindi gumalaw si Kissenger sa kanyang kinatatayuan.
'Nyeta bakit ang gwapo niya sa malapilyo nitong ngiti.' Puna ni Kisha nang masilayan niya itong nakangiti. Muli siyang yumuko at lumunok ng laway.
"Mukhang hindi ka yata sincere sa alok mo. Nakayuko ka, eh." Ang barituno nitong boses ay gumulantang muli sa kanyang dibdib. Ang tahip ng kanyang puso ay animo'y hinahabol ng mga nagwawalang kabayo.
"Kung ayaw mong pumasok, manigas ka diyan!" Pagtataray niya. Agad siyang pumihit patalikod baka mapansin ang namumula niyang pisnge.
"Wait! Ito naman hindi mabiro. Ito na, papasok na!" Mabilis na ihinakbang ni Kissenger ang mga paa upang pigilan ang papasarang pintuan.
"Tss! I-lock mo ang pinto. Ang arte kasi, eh."
"Upo ka muna." Lahad niya ng upuan rito.
"Anong gusto mo coffee, tub-."
"Ikaw!"
"Huh?! Ano kamo?"
"Ah wa-wala. Ano ahm ka-kape. Oo gusto ko ng kape. Iyong mainit na mainit na kape, malamig kasi, eh!" Mabilis na depensa ni Kissenger. "yong kasing HOT mo." Pabulong nitong dagdag.
"May sinasabi ka pa?"
"Huh? Wala na naman akong sinabi bukod sa gusto ko ng mainit na kape. May narinig ka ba?"
"Ikaw huh, 'wag mo 'kong pinaglololoko! Kung ayaw mong lason ang ipa-inom ko sayo."
"Ang harsh mo naman sa 'kin. Parang kape lang, eh." Pagtiklop ni Kissenger. Nakanguso itong yumuko sa sahig at nagkamot ng ulo.
Napangiti si Kisha nang makita niya ang dismayadong mukha ni Kissenger. Hindi niya alam kung bakit iyon ang kanyang naging reaksyon.
Sa kusina.
"Akala siguro nito ay hindi ko narinig ang mga corny niyang mga banat. Tss... 'wag ako!"
Kumuha siya ng mug at nilagyan iyon ng black coffee, sugar at creamer. Tinungo niya ang water dispenser na may hot and cold malapit sa kanyang refrigerator.
'Pero kinilig ka naman?' Ang konsensya ni Kisha.
"Che! Manigas siya!" Sagot niya.
'Manigas? Gusto mo yatang makita ang matigas niyang ti-'
"Arayyy!"
Napadaing siya nang mapaso siya ng mainit na tubig galing sa dispenser. Paano kasi mukha siyang tanga habang nakikipag-girian sa kanyang konsensya.
BINABASA MO ANG
Hot Interval
RandomHe's 20. Young, handsome, fresh and with EXPERIENCE at may malaking S sa huli! He is a sex addict, magaling magpatirik ng mata in short MAGALING SA KAMA! She's 30. Takot masaktan at umibig. With ZERO EXPERIENCE and CERTIFIED VIRGIN. Ang nakakatawa p...