INTERVAL 6: Nude photo

968 20 0
                                    

LUNES ngayon kaya ang usad ng traffic ay mas masahol pa sa pagong. Hindi ma-ipinta ang mukha ni Kisha sa loob ng taxi. Late na siya sa trabaho. Isa pa sa ikinalulukot ng kanyang mukha ang kulob na amoy ng taxi. Nakaka-suffocate!

"Kuya pweding buksan muna ang bintana sandali? Nahihilo po ako, eh!" Sabi niya sa driver at muling ibinalik ang panyo sa kanyang bibig.

"Sige ho ma'am, buksan niyo ho!" Gosh hindi ba automatic ang bintana nito. Inis na sabi ni Kisha sa kanyang isip. Pero wala siyang karapatang magmaktol sa driver dahil mukha rin itong may problema dahil masyadong seryuso ang mukha.

"Hay salamat...kahit amoy usok ang hangin sa labas OK lang keysa amoy kulob na hangin ng taxi na parang hindi pa naka-experience ng air freshener." Sabi niya at niluwagan ang paghinga.

"PASAHE po kuya. Keep the change!" Salamat nakarating narin siya sa Veltran Private Accounting Firm. Tinakbo niya ang gusali ng kanyang opisina. Late na siya ng fifteen minutes kaya lagot siya sa kanilang boss pero may palugit pang trenta minutos ang biometrics bago ito utumatikong mag-close kaya OK lang.

Basta Lunes tambak ang kanyang gawain sa misa at minsan hindi na niya nararamdaman ang paglipas ng oras.

Hapon na, napahilot si Kisha sa kanyang leeg. She's a bit exhausted, paano kasi marami ang kanyang kinumpyut na mga numero. Alam niyang magaling siya pagbabalanse ng pera pero nakakabiyak ng ulo ang kapal ng mga papeles sa kanyang misa. Kaya kaninang umaga agad niyang ibinaling ang lahat ng kanyang oras rito.

"Besh tara na! Papunta rin ang daan ko sa inyo, eh" Tumayo siya agad nang makita niya ang kanyang kaibigan sa harap niya. Ready na siya kanina pa.

"Tara! Saan kaba pupunta bakit dadaan ka sa'min?" Tanong ni Kisha sa kaibigan na nagpatiunang maglakad palabas ng gusali.

"Ahh eh, may ime-meet ako sa Lily Grills." Excited na saad ni Nanet.

"Sino nanaman ba? Alam mo Nanet takot ko lang kung magka-AIDS ka niyan. Dami mong lalaki."

"Aray ko naman! Anong akala mo sa'kin pakangkang. Hoy! Porque ganito ako gumawi at manalita hindi naman ako pumapatol sa kahit kanino lang." Yeah alam yon ni Kisha. Alam niya rin na nasa moving on stage pa ito sa huling naging nobyo. Hindi niya rin masisisi ang kaibigan na masyado itong naapektuhan sa break-up niya sa hinayupak niyang EX! Nakita niya kung paano ito tumangis nang malaman niyang may-ibang babae ang kanyang nobyo. Nang mangyari yon, lalo pang tumindi ang kanyang takot na maghanap ng makakarelasyon. Wala siyang nagawa para tulongan ang kanyang kaibigan pero hindi siya umalis sa tabi nito at ganon din ang kaibigan nilang bakla na si Rosita na may estorya rin tungkol sa mga love sick na yan!

"Ang akin lang naman, can you give yourself a break. I mean, try to find yourself alone and fix your heart. Hindi yong ibinabaling mo ang sarili mo sa mga lalaki na'yan. Sakit lang sila sa ulo, hindi ka na nada-."

"YOU DON'T UNDERSTAND!" Malutong na sabi Nanet na nagpatigil sa huli.

Hindi na muling nagsalita si Kisha at ganon din ang kaibigan nito.

"I'm sorry besh...I hope I understand things about love. Natatakot kasi ako na masaktan ka ulit. I don't want you to suffer again from heartbreaks." Sinserong sabi ni Kisha sa kaibigan at lumingon sa kanya si Nanet na may namumuong butil ng luha sa kanyang mga mata.

"I know at kaya ko ang sarili beshy. May kanya-kanya tayong paraan ng pagmomove on and dating with any boys out there is one of my ways. Yeah, masamang pakinggan but I know my limitation and I should tell you that. Salamat sa concern. Ayy ano bayan! Ikaw kasi, eh" Biglang natawa si Nanet at inangat ang ulo para hindi tumulo ang luhang nagbabadya sa kanyang mga mata.

Hot IntervalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon