INTERVAL 20: Pinky Promise

321 8 0
                                    


Sa isang children's playground napadpad si Kisha. Ito ang lugar na palagi niyang naaalala tuwing malungkot at may pinagdadaanan siya. A place where she can barely remember the unforgettable memories kasama ang pinakamamahal niyang ina. Kaharap ng naturang playground ay ang matayog na gusali ng isang sikat na company.

Sa gitna ng playground ay may maliit na fountain at sa loob niyon ay isang maliit na sirena na gawa sa tanso. Nakaupo iyon sa isang bato habang nakatingala sa langit. Katabi at kaharap ng fountain ay isang metallic bench.

Gustong gusto niya ang parting ito ng playground. Hindi kumpleto ang kanyang araw kung hindi niya nakikita ang serina sa loob ng fountain. Hindi naman nalilimutan ng kanyang ina na dalhin siya rito tuwing hapon pagkatapos ng eskwela. The place was so relaxing for her. Lahat ng kanyang hinanakit ay nawawala tuwing dumadalaw sila dito.

Tuwing nagpupunta sila rito ay iniiwan siya ng kanyang ina sa tapat ng fountain. Hindi niya alam kung bakit. Ang sabi lang sa kanya palagi ay "Dito ka lang anak, huh? Puntang CR lang si Mama." Tanging tango lang ang kanyang sagot. Gusto rin naman niyang maiwan doon at maglaro mag-isa.

Sa murang edad, ang salitang 'pagtataka' ay umusbong sa kanyang utak. Kung hindi siya iiwan ng isang oras ng kanyang ina ay halos hindi mapatid ang tingin nito sa 8th floor na bahagi ng gusali sa tapat ng playground. Kahit nagtataka ay hindi niya pinapansin ang ina dahil wiling-wili siya sa paglalaro.

Isang araw at sabado noon, iniwan siya ng kanyang ina sa tapat ng fountain. Akala niya ay hindi ito magtatagal ngunit nagkamali siya. Tatlong oras na siyang nag-iisa at walang kasama. Nakaramdam siya ng kaba at takot na baka iniwan at nakalimutan na siya ng kanyang ina.

Nang mapagod sa kalalaro ay umupo siya sa bench at doon humikbi nang walang ingay habang nakayuko. Pasado alas cinco na ng hapon ay hindi pa bumabalik ang kanyang ina. Nagsisi-uwian na ang lahat ngunit nandoon pa siya, nag-iisa.

"Mama look! There is a mermaid in the fountain." Isang excited na tinig mula sa isang paslit ang pumukaw kay Kisha.

"Do you love it Mica?" Tanong ng ina ng bata.

"Of course Mommy I love it!" Tumakbo ito upang yakapin ang ina.

"Be careful baka masaktan mo si Baby."

"Oh am sorry Mommy. Sorry baby..." Marahang hinagod ng bata ang tiyan ng kanyang ina.

Tumigil sa pagtulo ang mga luha ni Kisha at bigla nalang siyang napangiti sa mag-ina. Gusto niya rin kasi magkaroon ng kapatid kaya ramdam niya ang saya sa mga mata ng batang babae.

Umurong ang mga ngiti sa kanyang mga labi nang makita niyang papalapit ang batang babae sa kanyang kinaroroonan. Mabilis siyang yumuko at nag-iwas ng tingin.

"Hey? Are you alone?" Malumanay na sambit ng estrangherong bata sa kanya. Hindi siya sumagot.

"I'm not bad. Nasaan ba Mommy mo?" Umupo ang bata sa tapat niya.

Ilang segundo muna ang lumipas bago nilingon ng musmos na si Kisha ang bata sa kanyang tabi. Kinusot niya ang kanyang mata at pilit na pinipigilan ang pag-sinok.

"Oh no...did you cry?" Malungkot na puna ni Mica kay Kisha. Tanging tango lamang ang sagot ng huli.

"Mommy?! Can I play with her muna bago tayo umuwi?" Hinging permiso ni Mica sa ina na ngayon na tapat nila.

"Sure Ate Mica...by the way hija what's your name? Nasaan ang Mommy mo?" Bigay permiso at saka namang pagbitaw ng sunod-sunod na tanong ni Cassandra, ang Mommy ni Mica, kay Kisha.

Hot IntervalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon