Chapter 28

3.8K 157 39
                                    

Amelia POV

"You can take a leave for a week, Amelia." Wika ng boss ko.

" Sir, hindi ba nakakahiya? Magbabakasyon na nga kami sa isla niyo pa." Sabi ko.

He suggested na doon kami magbakasyon ng anak ko sa pagmamay-aring isla ng boss ko.

" Okay, Sir kahit nakakahiya. Once in a lifetime lang naman po iyon kaya go ako, Sir." Malawak na napangiti ang boss ko.

" Mas maganda nga iyan para naman makapamasyal ang anak mo." Sabi ng boss.

Matutuwa si Sebastian kapag sinabi ko sa kanya na magbabakasyon kami.

Habang nagtratrabaho sobrang saya ng nararamdaman ko. Kailangan ko palang bumili ng mga gagamitin namin ni Sebastian.

Pinag-iisipan ko kung anong palusot ang sasabihin ko kapag nagtanong si Mason. Bahala siya sa buhay niya. We need some fresh air at hindi kasama si Mason doon.

Naghanda na ako paalis ng opisina. Napansin kong may mga kausap na mga lalaki ang boss ko. Napadaan ako doon sa opisina ng boss.

" You need to go there and make sure na mababantayan ang lugar." Narinig kong wika ng boss ko.

Sumilip ako sa siwang ng pinto.

" Sir, aalis na po ako." Paalam ko. Natigilan ang boss ko ng makita niya ako.

" Kanina ka pa ba diyan?" Tanong niya.

" Hindi naman po." Sagot ko. Kumunot ang noo ko.

" Sige ingat ka." Tumango ako. Lumabas na ako ng office. Nakalabas na ako ng building nang makita ko si Mason na nakatayo at nakatingin sa akin. Anong ginagawa niya dito?

Malamang sinusundo ka.

"Hi babe." bati niya sa akin. Kinabig niya ako kaya napalapit ako sa matigas niyang dibdib. Hinagkan ni Mason ang ibabaw ng ulo ko.

" Date muna tayo bago tayo umuwi?" Wika mi Mason.

" Huwag na baka gabihin tayo pabalik ng Pakil. Bumili na lang tayo ng pasalubong kay Sebastian." Suhestyon ko.

" Okay babe. Ano bang gusto mong pasalubong sa anak natin?"nakangting wika ni Mason.

"Favorite niya ang Pizza hut doom na lang tayo bumili ng pasalubong para sa kanya."

" How about you babe wala ka bang gustong bilhin na pagkain?" Inakbayan niya ako.

" Iyon na lang din." Kinabig ako ni Mason yumakap siya sa akin. Hindi ako nakakilos. Kahit naman asar ako sa tukmol na ito mahal ko pa rin siya. Siyempre pakipot pa ako ng kaunti para naman makabayad siya sa ginawa niya sa akin noon. Tsaka takot akong sumubok muli sa isang relasyon.

" I miss hugging you babe. I love you."madamdamin ang pagkakasabi niya sa I love you. Gusto ko sanang sabihing I love you too. Sabi ko nga pahihirapan ko muna siya.

" Umuwi na tayo. May pa-yakap-yakap ka pang nalalaman! Ka macho mong lalaki ang drama mo." Itinulak ko siya. Sumakay na ako kaagad sa sasakyan niya ng mai-unlock nito ang susi.

Napapasulyap sa akin si Mason habang kinakabit niya ang seatbelt. Tsaka bumuntong hininga.

Naawa naman ako sa hitsura niya pero sana intindihin niya rin ako, ang nararamdaman ko. Hindi madali sa akin na basta na lang maging kami muli. Itong pagpayag ko na dumadalaw at natutulog sa bahay para kay Sebastian.

Tahimik lang kamu habang nasa biyahe. Napapahikab na ako dahil inaantok na ako. Dumaan kami sa pizza hut para bilhan ng pasalubong ang anak namin.

Barako Series #11 My Macho Man (Mason Dela Fuente Story) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon