Chapter 6

4.6K 178 9
                                    

(Mason POV)

Ilang araw na lang madedestino na naman ako sa Mindanao. Akala ko dito na ako madedestino sa Manila. Pero sinabi naman sa akin ng Commander in Chief namin. Ilang buwan lang ako doon. Babalik din ako dito sa home base namin.

Malulungkot na naman kasi si Mama. Mag-isa na lang ito sa bahay. Balo na ang Nanay ko. Isang sundalo din si Papa. Siya ang naging inspirasyon ko kaya kinuha ko ang pagiging sundalo. Kailan lang pumanaw si Papa dahil sa sakit sa puso. Buti nga nakapag retire na sya noon ng mamatay si Papa. Kaya may naiwang pension ito para kay Mama. Kahit hindi man ako magbigay may pera naman sya. Ito ang maganda sa pagiging sundalo kapag nagretire na hayahay ang buhay. Paupo upo lang habang kada buwan hinihintay ang pension.

Pagkalabas ko ng kampo nasalubong ko si 2LT. Bumanlag. Napapansin kong palaging nakatingin sa akin ang babaeng ito. Hindi ko nga lang pinapansin dahil ayoko naman maging dahilan iyon ng pag-aaway namin ni Geon. Kahit naman fubu ang dalawang ito may paggalang pa din naman ako sa pinagsamahan namin ni Geon. Hindi ako tipong pumapatol kaagad agad lalo pa at kilala ko pa ang nobyo nito.

Pero sadyang makiri ang babaeng ito. Minsan nahuli ko itong kalampungan ang isa sa mga nagbabantay sa may gate. Buti naka out na yung sundalo doon. Kung hindi mapapatawan ko ng parusa.

" Hi Mason pogi! Gusto mo bang kumain?" malanding tanong nito. Napatitig ako sa kanya.

" No thanks pauwi na ako sa bahay. Hinihintay na kasi ako ng mother ko." sabi ko. Papunta naman talaga ako sa mall may pinapabili kasi si Mama.

" Oh Mama's boy ka pala?" natawa ito ng nakakaloko. Hindi ko na lamang pinatulan. I'm not a Mama's boy. Ako lang naman kasi ang kaisa isang anak niya at nag-iisa na sa buhay. Natural na ako lang talaga ang mauutusan niya.

" Because I love my mother." sabi ko tsaka ko ito tinalikuran. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ni Geon sa babaeng yun? Oo maganda at sexy siya pero sa ugali hindi kaaya aya. Kaya siguro hindi niya ito pinapakilala sa mga magulang niya. Alam niyang hindi magugustuhan ng pamilya.

Natraffic ako sa bandang EDSA. Parang may rally ng sasakyan sa sobrang dami. Matatawag itong kalsadang tinubuan ng sasakyan. Sa sobrang dami hindi na magkamayaw ang mga traffic enforcer sa kakamando sa mga traffic. Puro pa naman pasaway ang mga driver dito. Alam naman nilang bawal pumasok sa hindi naman lane. Pasok pa din ng pasok. Bakit gustong gusto nilang pumasok sa lane na yun? Anong meron doon?Kapag nahuli at sinita ng enforcer gagawa ng kuwento. Nakakatawa ang mga tao ngayon. Kapag alam nilang medyo tagilid sila. Ihahanda na nilang buksan ang mga camera nila upang e-video ang nangyayari. Isha share pa ang video na nakunan sa social media. Palalabasing ang may kasalanan yung kaawa awang traffic enforcer na ginagawa lang naman ang trabaho. Hindi mo naman kailangan ishare sa social media lahat. Hindi lahat ng nasa internet ay totoo. Yung iba nagpropromote lang ng kung ano ano para lang makilala sila or sa pansarili nilang interes lamang. Pagmumukha nilang sila ang kawawa which is not true. That is a big lie.

Alam ba nilang may batas sa ganun? "House Bill 4807, also known as the Protection Against Personal Intrusion Act, shall promote and protect the personal privacy of every person by preventing intrusion for commercial purposes, and enjoining everyone to respect the dignity, personality, privacy and peace of mind of every person."

Halimbawa ako may karapatan akong bawalan ang kumukuha sa akin ng video or picture ng wala akong pahintulot. May right akong magreklamo at tumanggi. Lalo pa't alam kong ginagawa ko lang ang trabaho ko. Dahil nasa law yan. No one is above the law.Dumada law ang lolo niyo.

Alam naman nilang bawal pumarada sa kung saan saan pero ginagawa pa din nila. Sila pa itong nagagalit kapag binawalan. Paano maayos ang trapiko sa Pilipinas kung ganito naman katitigas ng ulo nang mga driver. Walang disiplina sa sarili. Minsan nakakainis na din.

Barako Series #11 My Macho Man (Mason Dela Fuente Story) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon