Chapter 7

4.9K 170 27
                                    

(Mason POV)

Hinatid ko sa bahay nila si Amelia. Bilang pasasalamat ko sa pagtulong niya sa akin sa pamimili.

" Babe" tawag ko napalingon ito. She is beautiful ngayon ko lang napansin mula ng magkakilala kami.

" Bakit?" her forehead creased. She's a bit shock when I held her hand and put a kiss on it. Our gaze met I felt something in my heart. This feeling is new to me. Inaamin kong malibog akong tao kapag nakakakita ako ng mga babaeng sexy at maganda. Umaariba kaagad ako. But to Amelia iba ang naramdaman ko. Parang iba sya sa lahat ng babae. Natauhan ako ng kinaltukan niya ako sa noo.

" Anong nangyari sa iyo? Para kang natuka ng ahas diyan?" sabi nito. Napakamot ako sa buhok.

" Nakakatulala naman kasi ang iyong kagandahan, babe" sabi ko. Tumaas ang kilay nito.

" Weh di nga? Dati kung apihin mo ako grabe. Tingin mo pa nga sa akin bakla." napatawa ako ng mahina.

" Wala naman akong sinabing bakla ka? Tinanong ko lang kung babae ka?" napaismid ito sa akin. She is so cute when she does that.

" Ganoon na din yun siraulo 'to" nakangusong sabi nito.

" I am sorry babe. Binibiro lang naman kita at that time. Sarap mo kasing asarin. But seriously I want to thank you for helping me. I do really appreciate it. If you need help just call me. I'll be right here. Para naman makabayad ako sa pagtulong mo sa akin." sinserong sabi ko. Ngayon lang ako naging ganito. Serious sa mga sinasabi ko galing dito sa puso ko.

" Walang ano man. Tsaka katrabaho ka naman ni Kuya Gerald kaya ayos na yun." nakangiti nitong saad.

" By the way can I invite you to have a date with me bago ako pumunta ng Zamboanga?" napatitig ito sa akin. Nakita kong namula ang pisngi nito. May kaputian si Amelia kaya kita ang pamumula ng pisngi nya.

" Inaaya mo talaga akong makipagdate? Hindi ka nagbibiro?" tanong nito.

" I am not kidding babe. Kailan ba ako nagbiro. I'm serious." saad ko.

" Okay kailan ba?" tanong nito. Magsasalita na sana ako ng tumunog ang phone nito. Kinuha nito sa handbag niya.

" Wait lang ha sagutin ko lang tawag." sabi nito. Pumirmi ang mga muscle at macho kong katawan sa isang tabi. 

" Hello? Hey Louie napatawag ka?" napakunot ang noo ko ng makarinig ako ng pangalan ng lalaki. Napatingin sa akin si Amelia. Nginitian niya ako. Kinindatan ko naman siya.

" Bukas na lang tayo magkita. Nandito na ako sa bahay. Sana sinabi mo kanina. Akala ko ba uuwi ka ng Iloilo? Okay sige tomorrow. Anong oras tayo magmeet?" medyo lumayo ako. Naiinis ako dahil may kausap syang lalaki. Iniisip ko kung macho din kaya yun? Hot din ba kagaya ko? O mas macho at mas hot ako. Siyempre naman ako ang mas hot. 

" Sino si Louie?" tanong ko pagkatapos nyang kausapin ang lalaki.

" Friend ko sa US. Pauwi na kasi ng Iloilo yun kaya gusto makipagkita sa akin." sabi nito.

" Susunduin kita bukas. Sasamahan kita sa pupuntahan mo." sabi ko.

" Huwag na makakaabala pa ako sa work mo. Tsaka baka nasa kampo ka na nun. Okay lang magkita na lang tayo sa weekend." sabi nito. Wala akong nagawa kung hindi pumayag na lang.

KINABUKASAN. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Sa kakaisip kay Amelia. Magkikita sila ng kaibigan nitong lalaki. Hindi ako makakapayag na wala ako doon. Kailangan nandoon ako baka.. Kalabaw.. 

Kinuha ko ang phone ko. Tinawagan ko si Amelia. Buti ibinigay niya ang number nito. Hiningi ko kasi in case lang na gusto kong kausapin siya hindi ako mahihirapan. Hindi nito sinasagot ang tawag ko. Ring lang ng ring ang phone. Isa pang ring sinagot na nito ang tawag. Bumungad sa akin ang boses nitong parang paungol. Napahawak ako sa muscle ko. 

Barako Series #11 My Macho Man (Mason Dela Fuente Story) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon