Chapter 12

3.9K 143 10
                                    

(Mason POV)

Maaga akong bumangon upang pumasok sa trabaho. Hindi ko na muna ginising si Amelia. Hinagkan ko ang labi nito bago ako bumangon.

I take my daily routine. I took a shower, brush my teeth. Nagbihis na ako ng uniform ko.

Pagkababa ko mat nakahain ng pagkain sa mesa. At may kape na din.

" Good morning Ma!" Bati ko sa Nanay ko. Hinagkan ko ang kanyang pisngi.

" Ako na bahala kay Amelia. At ikaw magtino tino ka na hindi ka bumabata trenta ka na oy! Baka yang betlog mo malagas na kaka kana mo! Naku ka kapag malaman laman kong may kinakalantari kang ibang babae humanda yang betlog mo sa akin at yang pinagmamalaki mong tubo!" Napakamot ako ng ulo.

" Ma.. Ma.. hindi na ako ganun. Nagbago na ang macho niyong anak. Hindi naman ako ang lumalapit sa mga babae. Sila po ang kusang lumalapit sa kamachohan ko. Magandang lalaki kasi itong anak niyo kaya habulin." Nagpapogi points ako sa harapan ni Mama. Napangiwi ang Nanay ko sa akin.

" Kumain ka na baka mabaliw ka at masobrahan ng hangin yang ulo mo." Natawa ako sa biro ni Mama.

"Mama talaga oh kung makabiro sobra." Sabi ko. Tinaasan ako ng kilay ni Mama.

" Hindi ako nagbibiro Mason. Mahangin ka talaga sa sobrang hangin nadadala ako." Tumalikod na ito at lumabas ng kusina. Napapailing ako kay Mama. Mahangin ba ako? Hindi naman ah? Nagsasabi lang ako ng totoo.

Napapailing ako sa pinagsasabi ni Mama. Bago ako umalis dumaan muna ako sa silid para silipin ang babe ko.

Napangiti ako ng makita kong payapa pa din natutulog si Amelia. Umupo ako sa tabi niya. Gumalaw ito at napadilat ng mata.

" Aalis ka na?" She said with her bed room voice. So sexy. Yinuko ko siya para gawaran ng halik sa labi. Itinulak niya ang mukha ko at tinakpan ang bibig.

" Ano ka ba pahalik halik ka pa diyan hindi pa ako nagtoothbrush!" Reklamo nito.

" Babe okay lang naman sa akin kahit hindi ka pa nagtoothbrush. Maganda nga at may flavor ang amoy ng hininga mo."Sabay tawa ko. Napatirik ng mata si Amelia.

" Ewan ko sa iyo. Sana ginising mo na ako at sasabay ako sa iyo. Baka kasi nag-aalala na sila Nanay at Tatay sa akin." Bumangon na ito. Sinuklay ang magulong buhok.

" Dito ka muna babe. Tatawagan ko na lang sila Tatay para sabihin dito ka muna magstay." Sinuklay ko ang magulong buhok ni Amelia.

" Wala akong damit na pamalit kung magstay pa ako dito." Sabi niya.

" Hiramin mo muna ang damit at short ko. Kasya naman sa iyo yun. Bibili na lang ako mamaya sa mall pagkauwi ko. Sige na babe please." Pagmamakaawa ko.

" Sige na nga." Napangiti na ako ng malawak. Yinakap ko si Amelia.

" Salamat babe!" Hinagkan ko ang pisngi ng nobya ko.

Masayang masaya akong nagtrabaho sa kampo. Dahil may inspirasyon na ako ngayon. I can't wait to go home and feel my babe.

May tumapik sa balikat ko. Nanigas ang mga muscle ko. Nakita ko kasing seryoso na naman itong si Geon. Salubong ang makakapal nitong kilay.

" Mukha yatang maganda ang mood mo ah? I'm sure naka score ka." He smirk.

" Yes, kasi may pa good morning kiss ang girlfriend ko." Napangiti ako na parang tanga.

Sumalubong lalo ang kilay ni Geon. Bigla niya akong kinuwelyuhan. Sabi ko na nga ba mainit ang ulo nito eh. 

" Anong ginawa mo sa kapatid ko? Ginahasa mo ba?" Nanlaki ang muscle ko este ang mata ko sa sinabi niyang ginahasa. Hindi ko gawain mamilit ng babae. Sila ang namimilit sa akin. Ako nga ang ginagahasa nila. Siyempre hindi na ako makapagreklamo kasi nasarapan na ako.

Barako Series #11 My Macho Man (Mason Dela Fuente Story) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon