Chapter 21

3.7K 180 40
                                    

(Mason POV)

Umuwi ako sa bahay ni Mama dahil may sakit siya. Hanggang ngayon masama ang loob niya sa akin dahil sa ginawa ko kay Amelia. Malaki ang pinagbago ko magmula nang mawala sa akin si Amelia. Hindi na ako babaero at umiwas na din sa mga bisyo.

" Hindi kita kailangan! Umalis ka na!" Galit na wika ni Mama sa akin. It's been 3 years na hindi ako kinakausap ni Mama. Nahihirapan ako dahil ako lang naman ang anak niya. Ako lang naman ang mag-aalaga sa kanya kapag ganitong may sakit siya. Pero ayaw niyang makita ako.

" Ma kalimutan na natin ang nakaraan. Wala na tayong magagawa kung iyon ang kapalaran namin ni Amelia." Kahit nanghihina si Mama hinarap niya ako.

" Anong walang magagawa?! Ikaw ang may kasalanan ng lahat sinaktan mo siya. Alam mo ba kung gaano kasakit iyon? Ako nga nasaktan para sa kanya siya pa na niloko mo." Napayuko ako dahil tama si Mama. Napaupo ako sa sofa. Tanging tingin lang ang nagawa ko. Napapailing lang sa isang tabi ang Tita ko na nagbabantay kay Mama.

Umuwi ako sa bahay ko na hindi nakausap ng matino si Mama. I deserve this treatment anyway. Sinalubong ako ng katahimikan sa loob ng bahay ko.

May kinuha akong larawan. Napangiti ako ng mapakla nang makita ko ang larawan namin ni Amelia. Ito yung unang picture naming dalawa.

" I am sorry babe alam kong sagad hanggang langit ang galit mo sa akin. Pinagsisihan ko ng lubos ang mga nagawa ko noon. Kung magkrus ang landas natin gagawin ko ang lahat mapatawad mo lamang ako. Tatanggapin ko kung ano man ang parusa na igagawad mo sa akin. Basta bumalik ka lamang." Tumulo ang mga luha ko. Sa tatlong taon walang oras na hindi ako umiiyak sa tuwing naiisip ko si Amelia.

I tried to talk to her family ngunit pinagtabuyan nila ako. Hindi na din ako kinakausap ni Geon.

Nagpalipat na ito sa ibang lugar dahil sa tuwing nakikita niya daw ako nararamdaman daw niya ang sakit na dinulot ko sa kapatid niya. Hindi ko sila masisisi dahil nasaktan ko si Amelia ng sobra. Wala akong ginawa sa tatlong taon kung hindi sisihin ang sarili ko.

Inakbayan ako ni Hernandez.

" Si Amelia pa din ba?" Napabuntong hininga ako.

" Sino pa ba?" Malungkot na tugon ko. Tinapik niya ang balikat ko.

" Tangina mo kasi napaka babaero mo noon kaya hayan kabayaran yan sa mga nagawa mo."

" Yeah pinagsisihan ko lahat ng mga kalokohan ko dati." Wika ko.

" Bakit hindi mo puntahan muli ang magulang ni Amelia. Baka naman napatawad ka na nila. Baka bumalik na sa bansa si Amelia."

" Huwag na. Ayokong gambalain pa sila."

" You need to tell them your side. Wala naman na ang asawa mo. Tatlong taon na bok! Ganyan pa din ang asta mo. Sa laki ng muscle mo mahina ka pala!" Natatawang biro ni Hernandez. Natawa ako ng mapakla. Iyon ang palagi kong pinagmamalaki ang mga muscle ko. Pero ngayon wala na akong maipagmamalaki.

" Siguro kailangan kong pagdusahan ang mga kasalanan ko. It's all my fault kaya nawala ang asawa ko at anak ko pati na din si Amelia." Napayuko ako dahil naiiyak ako.

" Bok hindi mo naman kasalanan na nawala ang mag-ina mo. It was an accident. Tsaka kasalanan iyon ng ama niya kung bakit may pumatay sa anak niya." Umiling ako.

" May kasalanan din ako sana sinamahan ko siya noon. Pero hindi ko ginawa dahil mas pinili kong puntahan sa airport si Amelia. Pero nahuli na ako na mahabol ang babaeng mahal na mahal ko." Nangilid ang luha ko.

" Napaka masalimuot naman ng buhay mo. Ang daming drama." Napalatak pa si Hernandez.

" Bakit ikaw hindi din ba?" Pang-aasar ko sa kanya.

Barako Series #11 My Macho Man (Mason Dela Fuente Story) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon