Chapter 29

2.3K 99 19
                                    

Hindi ko maialis ang mata ko sa magandang scenery na nasa harapan ko. Sumakay pa kami ng chapper para lang marating ang island na pagmamay-ari ni General Capistrano.

Siguradong enjoy ang vacation namin ni Sebastian dito.

Napalingon ako ng tawagin ako ni General Capistrano. "Nagustuhan niyo ba ang lugar?" nakangiting tanong niya. Nilapitan niya kaming mag-ina.

"Naku super nagustuhan ko at sigurado po na mag-eenjoy kami rito." sabi ko at binalik muli ang tingin sa labas.

"Pasensya na kung maiiwan kita rito kasama ng anak mo. don't worry may tauhan naman akong puwede mong utusan kung sakaling may ipabibili ka sa bayan na malapit sa isla." sani ng boss kong si General Capistrano.

"Ayos lang po Sir. Ingat po kayo sa biyahe." wika ko.

Napangiti si General Capistrano. "Okay, I have to go." paalam ni General Capistrano.

Bago ako umalis napalingon ako. Kinausap ng boss ko ang guard na nagbabantay sa may pinto.

Napasulyap sila sa akin kaya tumalikod na ako. Pinagkibit balikat ko na lamang iyon. Baka may binilin lang. Napakabuti ni General sa akin kahit noong baguhan pa ako. He made sure i can work comfortably.

Pinuntahan ko na ang anak sa silid namin.

" Mommy lalabas ba tayo?" Tanong ni Sebastian. Baka nainip na sa loob ng bahay. Napatingin ako sa loob ng silid. Napaka laki nito para sa aming mag-ina.

" Mamaya pa anak we need to take a rest muna. Go watch T.V." utos ko sa anak. Sumunod naman ang bata. Nagpasya akong maligo muna mamaya ko na lang i-message si Mason walang signal dito sa loob ng bahay. Ito ang mahirap sa liblib na lugar mahirap ang signal.

Natulog na lang muna kaming dalawa ng anak ko. Napagod kami sa mahabang biyahe.

Nagising ako nang makarinig ng kalabog mula sa labas. Napatingin ako sa katabi ko ngunit wala si Sebastian. Bigla akong kinabahan. Tatayo na sana ako ng mapansin kong nakatali ang magkabila kong kamay.

" Bakit ako nakatali?" Tanong ko sa sarili. Hinila ko ang tali upang makawala ngunit masyadong makapal ang tali na ginamit nila.

" Tulong! Tulungan niyo ako!" Sigaw ko habang hinihila ko ang kamay ko. Kinabahan at nilukuban na ako ng takot. Nasaan ang anak ko? Baka kung ano na ang ginawa nila sa kanya.

Kailangan kong makawala dito. Nakakapagtaka namang may pumasok na masamang loob dito may mga nakabantay sa labas?

Napagod lang ako sa kakapumiglas at pilit na inaalis ang pagkakatali sa mga kamay ko.

Napatingin si Amelia sa bumukas na pinto. Napakunot ang noo niya ng makilala kung sino ang pumasok. Tauhan ni General Capistrano ang lalaki. May dala itong pagkain.

" Huwag kang magtatangkang tumakas masasaktan ang anak mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi.Inalis niya ang tali sa isa kong kamay.

" Saan niyo dinala ang anak ko?" Untag ko sa lalaki. Nag-init ang sulok ng mata ko. Nag-aalala ako sa anak ko. Baka umiiyak na iyon, hinahanap na niya ako.

" Huwag ka ng magtanong. Kumain ka na pupunta dito si boss para dalawin ka." Napatigil ako sa paggalaw sa nabanggit niyang boss.

" Sinong boss? Sabihin mo sino?" Pilit kong tanong sa kanya. Napangisi lang ang lalaki.

" Ang hina naman ng pickup mo. Kilala mo kung sino iyon." Sabi nito pagkatapos tinalikuran niya ako.

Ako pa talaga mahina ang pickup? Malay ko ba kung sino ang may gawa nito? I need to find my son. kailangan kogn gumawa ng way para makawala dito. Napasulyap ako sa kadena. Napayuko na lamang ako.

Barako Series #11 My Macho Man (Mason Dela Fuente Story) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon