Chapter 3

5.2K 181 24
                                    

(Amelia POV)

Nagwalk-out ako dahil nabuwisit ako sa kayabangan ng Mason chorba na iyon. My god ang yabang at ang bastos niya. Apihin ba naman ang kagandahan ko?

"My god ako mukhang hindi babae? Ano akala niya sa akin bakla?!" Napatingin ako sa mga sundalo na nadadaanan ko. Dahil napapasulyap sila sa akin.

" Ikaw Koya ano tingin mo sa akin?! Magsabi ka ng totoo!"  sabi ko sa dumaang sundalo. pinanlakihan ko ito ng mata.

" Ayos naman maganda ka. Tsaka mukhang fresh kahit medyo may edad ka na." nanlaki ang mata ko sa sinabi niyang may edad na ako. Oo malapit na akong mawala sa kalendaryo. Pero mayroon pa naman Bingo at Lotto. Pero mukha akong bata sabi ng Nanay ko.

" Anong sinabi mo?!" galit na sabi ko. Bigla itong nagmadaling umalis. Natakot sa nanlalaki kong mata.

Nakakasura ang mga sundalo na mga ito. Akala mo mga kaguwapuhan!

" Hi, Miss beautiful" napatingin ako sa poging sundalo na nasa may gate. Ito yung kanina.

" Oh hi." nagpabebe na naman ang lola niyo. Siyempre naman sinabihan ka ba naman ng beautiful. Isinuksok ko ang hibla ng buhok ko sa teynga ko.

" Nakausap mo na ba yung gusto mong kausapin sa loob ng kampo?" tanong nito.

" Oo eh." napahagikgik ako kasi kinikilig ang tumbong ko. Ang pogi naman kasi nitong sundalo na ito. Tsaka nagsasabi talaga siya ng totoo. 

"By the way I'm Amelia. Ikaw anong name mo?" mahinhin na tanong ko. Gusto kong kiligin kasi ang pogi niya. Tapos ang ganda ng mga ngiti niya.

"By the way I'm 1Lt. Joshua Garcia." pakilala nito. Inilahad nito ang kamay nito. Siyempre nakipagkamay naman ako. Wow parang may kapangalan siyang artista. 

" Hindi ba ako nakakaabala dahil nasa trabaho ka?" tanong na sabi ko.

" No, out na ako kaya malaya na tayong mag-usap. By the way saan ba ang way ng uuwian mo?" tanong nito. Pasimple ko siyang hinampas.

" Naku huwag na nakakahiya naman sa iyo." sabi ko. Napakunot ng noo si Joshua.

" What?" nagtatakang tanong nito.

" Ang ibig kong sabihin hindi naman mahalaga kung saan ang uuwian ko." napangiti ito sa sinabi ko.

" Eh ikaw saan ka umuuwi?" tanong ko.

" Dito din sa Villamor Air Base ako nakatira. Malapit lang dito sa kampo." sabi nito.

" Ah ganoon ba? Buti malapit lang ang tinitirhan mo. Ang Kuya Gerald ko hindi masyadong nakakauwi sa Laguna kasi nga malayo. Kaya may inuupahan siyang bahay dito sa Maynila." magsasalita pa sana si Joshua ng sumulpot sa harapan namin ang kapatid ko at kasama ang kina bwibwisitan kong lalaki. Inirapan ko ito ng ngitian niya ako. Sumaludo si Joshua sa mayabang na Mason na ito.

" Why are you talking to her? You still on duty." seryosong sabi ni mayabang Mason.

" I have done my duty, Sir!" sabi nito. Mukha siyang robot kung maka Sir. Tiningnan ko si mayabang na Mason akala mo ang seryoso ng tindig niya. Pero ubod ng yabang at mapang-api pa sa katulad ko. Hinila ko ang kapatid ko.

" Bakit kasama mo ang gunggong na iyan?!" tanong ko sa kapatid ko.

" Sabi niya kasi magsosorry daw siya sa iyo. Eh na offend niya yata ikaw." napahagikgik si Ameli sa sinabi niya.

" Anong na-offend?! He insulted my well-being as a woman!" nilakasan ko ang boses ko kaya napatingin ang mga sundalo sa akin at si mayabang na Mason.

Barako Series #11 My Macho Man (Mason Dela Fuente Story) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon