Chapter 15

4K 152 24
                                    

(Mason POV)

Paalis na ako papuntang Mindanao pero masama pa din ang loob sa akin ni Amelia. Pinuntahan ko pa nga siya sa bahay nila pero hindi niya ako kinausap o nagpakita man lang sa akin. Tapos noong umuwi ako ng bahay I even try to call her but she blocked my number. Sana hindi ko na lang sinabi na minahal ko si Graziela. Sana hindi narinig ni Amelia ang sinabi ko. Iba tuloy ang intindi niya sa sinabi ko. Dapat kasi pinapatapos muna ang sasabihin bago nagwalkout. Mahirap pa naman pakiusapan ang babe ko. Kung baga sa baboy na makunat mahirap palambutin kahit ilang oras. 

Nalulungkot ang kamachohan ko. Mukha tuloy akong lantang gulay. Wala akong lakas ngayon. Matagal tagal pa naman akong madedestino roon. Magpalit na lang ako ng number baka sakaling kausapin niya ako.

Hindi na sumama si Mama sa paghatid sa akin. Matanda naman na daw ako para ihatid pa. Sanay na siyang paalis-alis ako.

Hinihintay na lang namin ang signal para umalis. Napatingin ako kila Geon. Buti pa siya kompleto ang pamilya niya. Nilapitan ko sila para makapagpaalam na din kay Amelia. Namimiss ko na siya.

"Babe aalis na kami." paalam ko kay Amelia na kandahaba ang nguso at sobrang sama na ng timpla ng mukha. Kasalanan ko kung bakit galit na galit ang babe ko sa akin.

" Mukha mo! Sana maiwan ka na roon at hindi na makabalik!" Napasinghap ako. Hindi ako puwedeng magstay ng matagal roon. Napangisi ako.

" I shall return! Babalikan kita babe ipaparanas ko pa sa iyo ang ika sampong langit! Kailangan mong paghandaan iyon." Sabi ko. Kahit na ba naranasan na niya ang langit. Napangiti ako ng maalala ko ang nangyari sa amin. Miss ko na kaagad iyon. Sa pagbabalik ko aayain ko na siyang magpakasal.

" Baka sabihin mo ikasampong mayabang! My god may tornado dito akala ko sa U.S. lang ang mayroon!" Gusto kong matawa sa hitsura ni Amelia. Pulang pula na ang mukha niya.Bumalinh ng tingin si Geon sa akin. Napaatras ang muscle ko. Mukha na naman siyang terorista.

"Mason leave my sister alone. Alam mo naman yan kulang sa luto ng diyos." birong sabi niya pero seryoso naman ang mukha.

Hindi ako nagsalita nakatitig lang ako kay Amelia. Hindi puwedeng umalis ako na hindi ko man lang nahalikan at nayakap ang babe ko.

Habang busy si Geon sa pakikipag-usap sa magulang. Hinila ko kaagad si Amelia.

" Babe mamimiss kita. Please huwag ka ng magalit sa akin. Ikaw ang mahal ko hindi si Graziela. Ang sa amin nakaraan na iyon. Wala na akong nararamdaman para sa kanya. Maniwala ka naman sa akin babe." Pakiusap ko.

Niyakap ko siya pumapalag pa nga siya pero hindi ko siya hinayaang makawala. Mas lalo kong nilingkis ng malalaki kong muscle ang napaka sexy niyang katawan. Pero maliliit na dibdib.

" Bakit kinausap mo pa ang ex mo. Alam mong masasaktan ako. Anong akala mo sa akin manhid hindi tinatalaban ng selos. Tapos maririnig ko pa sa iyo na mahal mo pa din ang babaeng iyon? Wala kang konsiderasyon sa akin. Ako iyong girlfriend pero para bang pinamumukha mong walang wala ako sa ex mo." Naghihinanakit na turan ng babe ko. Umiling ako dahil hindi totoo ang sinabi niya.

" Oo mahal ko siya pero noon iyon. Hindi mo narinig ang buong sinabi ko umalis ka naman kaagad. Sana hinintay mo muna ang sinabi ko." Paliwanag ko. Napanguso siya.

" Kahit ano pa ang paliwanag mo, kinausap mo siya sinaktan mo na ako!" Itinulak niya ako.

Tanging buntong hininga lang ang nagawa ko. Wala na akong oras para habaan ko pa ang paliwanag ko.

Nag-announce na ang commander namin na aalis na ang eroplano. Kailangan na namin pumasok sa loob. Hindi ko na nabigyan ng halik ang babe ko. Sa pagbabalik ko walang bahagi ng katawan niya ang walang halik. Napasulyap si Amelia sa akin. Nginitian ko siya at kinawayan.

Barako Series #11 My Macho Man (Mason Dela Fuente Story) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon