Chapter 22

3.9K 166 43
                                    

Hindi ko maialis ang tingin ko sa kinaroroonan ni Amelia. Mas lalo siyang gumanda at naging sexy. Magkakilala pala sila ni General Capistrano.

" Kaya naman pala napapatulala itong si bok natin nandiyan naman pala ang kanyang love of his life." Pagbibiro ni Napeleon sa akin. Tinapik niya ako sa balikat. Imbes na mapikon napangiti ako. Yung ngiting totoo na matagal ko ng hindi ginagawa. Magmula ng nawala si Amelia hindi ko na magawang ngumiti. Siya kasi ang kaligayahan ko subalit nagbago ang lahat nang dahil na din sa pagiging babaero ko.

" Naks ang macho pumupuso ang mga mata. Tingnan niyo mga bok?" Segundang pang-aalaska ni Santos.

" Ano ba kayo hayaan niyo na si Mason hanggang tinging malayo na lang ang kaya niya kaya pagbigyan niyo nang ngumiti kahit ngayon lang." Ani Hernandez.

Napansin kong may tumabing lalaki sa kinauupuan ni Amelia. Nag-igting ang panga ko ng hagkan niya ang pisngi ng babe ko. Bigla akong napatayo. Pinigilan ako ni Napeleon brandy.

" Bok hindi tamang sumugod ka doon. Alam mo namang galit ang pamilyang Capistrano sa iyo. Tapos idagdag pa yang mahal mong Amelia sagad hanggang titi mo ang galit sa iyo. Pumirmi ka nga muna diyan." Pinaupo muli ako ni Napeleon brandy. Nagkatawanan sila.

" Tama bok hindi ito ang tamang lugar para kausapin mo si Amelia. Baka maputulan ka ng kaligayaha  niyan. Ngayong alam mo na nandito siya sa bahay ka na lang nila pumunta." Suhestiyon naman ni Santos na ngumunguya. Nilalantakan niya ang mga pagkaing nasa plato. Napangiwi ako dahil punong puno ang laman ng plato niya. Mukha siyang patay gutom.

" Hoy, Santos maghinay hinay ka nga sa pagkain. Napag hahalata ka eh, tayo lang yata dito kung kumain parang mga PG." Nagkatawanan ang mga kasama ko.

" Eh, sa nagutom ako ano naman pakialam nila. Aba sinusulit ko lang ang pagpunta ko dito. Tsaka libre naman ito." Sabay subo. Napapailing kami. Sa aming apat ito ang masiba sa pagkain.

Nilagok ko ang kopita na may lamang alak. Naibuga ko sa mukha ni Santos ang ininom ko. Napapikit siya. Napatingin ako sa hawak kong kopita.

" What the fuck anong klaseng alak yan?!" Umasim ang mukha ko. Nagkatawanan sila sa hitsura ko. Samantalang si Santos ay nakasimangot habang pinupunasan niya ang mukha.

" Tangina mo suka yan eh! Wala kasing lagayan kaya diyan ko nilagay sa kopita. Aba libre magtanong bok!" Natatawang wika ni Napeleon.

I look at them with disbelief. How come na ilagay ang suka sa kopita?! Where in the earth is that?!

" What a small world. You're here Dela Fuente." Sabay sabay kaming napalingon sa taong nagsalita. Nagsitayuan ang mga kasama ko at nagsalute bilang paggalang sa retiradong Heneral ng Marine. Ang plastic nila samantalang kapag kami lang puro kasiraan ang sinasabi nila. Tumayo lang ako.

"Good evening Mr. Capistrano" tipid na bati ko. Katabi niya ang asawa na nakataas ang kilay sa akin.

" Hindi ko akalaing imbitado ka sa ganitong piging? Hindi ka nababagay dito dahil puro magigiting lang na tao ang narito. Ikaw wala kang kuwenta."  Kahit mahinahon ang pagkakasabi niya punong puno ng poot.

" Mawalang galang na ho kung sinasabi niyo ay tungkol sa asawa kong namayapa. Hindi ko ginusto na mawala sila. Dapat tanungin mo yan sa sarili mo kung bakit pinatay ang anak mo at nadamay pa ang anak ko. Huwag niyong isisi ang nangyari sa kanila dahil ako ang nawalan." Wika ko. Napakuyom ako ng kamao.

Hinawakan ni Napeleon ang braso ko.

Naglaban kami ng titigan, si General Capistrano ang bumawi ng tingin dahil inawat siya ng asawa.

" Hindi pa tayo tapos Dela Fuente dahil hindi mo alam kung ano ang magiging ganti ko sa iyo. Dahil sa iyo nawala ang anak at ang apo ko!" Dinuro niya ako.

Barako Series #11 My Macho Man (Mason Dela Fuente Story) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon