Red CollinsPauwi na kami galing Baguio. Tapos na ang seminar, na naging maayos naman.
Pero kinailangan kong bumalik agad dahil may meeting kami ni Kyle at importante daw kaya hindi natuloy ang dapat sanang extended na araw namin ni Nica sa Baguio.
Habang nag da-drive ay tumitingin-tingin ako sa likod. Si Sitara na seryosong nakatingin lang sa labas.
Ilang araw nya na akong hindi pinapansin at iniiwasan. Sa ilang araw namin sa Baguio ay sa first day ko lang sya nakausap.
After nang nangyari sa rooftop ay bigla nya nalang akong itinulak at nagmamadaling umalis. Yun na ang last na nakausap ko sya.
Kahit nakailang katok ako sa hotel room nya ay never nya akong pinag buksan nang pinto.
Nakakainis. Naguguluhan ako sakanya. Galit ba sya? Hindi nya gusto yung nangyare? But she kissed me back for God damn sake!
"Babe, drop me at Kyle's office. Ako nalang muna ihatid mo." Sabi ni Nica nang medyo malapit na kami.
"Huh? Sabay na tayo." sabi ko sakanya tsaka sya tiningnan.
"Nope. Importante daw e. Tsaka you need to rest, pagod ka din. Kaya umuwi ka nalang. Ako nalang kakausap kay Kyle."
"But—"
"No buts. Ako na bahala. Sa condo mo ako mamaya." Final na sabi nya kaya wala na akong nagawa kundi tumango.
"Bye babe." Sabi ni Nica tsaka humalik sa pisngi ko. "Bye Sitara." Baling nya kay Sitara na tumango lang bilang tugon.
"Ingat sa pag drive, okay?" Sabi ni Nica bago lumabas nang sasakyan.
Ilang minuto nang nakaalis si Nica pero hindi padin gumagalaw si Sitara
para lumipat dito sa tabi ko. Ang weird naman kase kung dalawa lang kami tapos nasa likod sya diba."Hindi ka ba lilipat dito?" Tanong ko sakanya pero as usual wala akong nakuhang sagot mula sakanya.
"Hey.. Dito ka na umupo." Sabi ko at binalingan na talaga sya.
Pero nakatingin lang ito sa bintana arms crossed.
Bumaba ako at lumipat sa tabi nya. Napatingin sya sakin nang marinig ang pagsara nang pinto sa tabi ko.
"May problema ba?" Nagtitimping tanong ko sakanya. Kalma self.
Kumunot lang ang noo nya na hindi ko talaga maintindihan kung para saan. Alien ba sya? Di nya ako gets? tss...
"Tss.. You've been avoiding me for I don't know what God Damn reason!" Inis na sabi ko dahil naiinis na talaga ako sa silent treatment nya na para bang ang laki nang kasalanan ko.
"Okay, I admit it's partly my fault. But you're also at fault! You did kissed me back!" I said nung wala parin akong makuhang sagot sakanya.
Nagiwas sya nang tingin pero hindi padin nagsalita. Fvck! Konti nalang talaga mauubos na ang pasensya ko sakanya.
"You know what? Fvck it! I don't give a damn! Bahala ka sa buhay mo." Sabi ko at mabilis na umalis at lumipat sa driver's seat.
May konting pasensya pa akong natitira kaya ihahatid ko sya. Pasalamat sya at hindi ko sya kayang iwan sa gitna nang kalsada. tsk.
Walang sabi syang bumaba nang sasakyan pagdating namin sa condo nya. Bumaba din ako para tulungan sya sa maleta nya.
Kukunin ko na sana yung maleta pero agad nyang kinuha at walang sabing naglakad paalis.

BINABASA MO ANG
Every Picture Tells A Story
Romance(Completed) A GxG story. A wanderer. Red Collins is someone who love to explore. A photographer and painter, An Artist indeed. But she's afraid to commit because of her past. Sitara Salva, A professor who have a crush on Red's cousin. But finding he...