Red CollinsAgad akong lumusong sa tubig at lumapit sa dalawa. Nagulat pa si Sitara nang lumapit ako habang nakangiti lang si Sir Bert.
"Buti naman at naligo ka na." sabi ni Bert na nginitian ko lang.
"Tawag ka ni Nica." Sagot ko dito. Nagtataka man ay sumunod nalang sya.
"Hey.." Sabi ko kay Sitara at matamis na ngumiti. Napakunot naman ang noo nya. Malamang ay nagtataka sya sa ikinikilos ko ngayon.
Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. Malapit na ding mag dilim.
"Hey! Hindi pa ba kayo sasama?" Sigaw samin ni Nica.
Ngayon ko lang napansin na ready nang umalis ang lahat.
"You guys go ahead! susunod na kami!" sigaw ko kaya tumango lang sya at binigyan ako nang nakakalokong ngiti.
May lampara naman silang iniwan samin kaya okay lang kahit abutin kami nang dilim.
Nagpatuyo naman kami nang katawan at nagbalot nang tuwalya tsaka naupo sa lamesa.
"I want to talk to you." Sabi ko nang walang nagsasalita saming dalawa.
"About what?" Kunot noong sabi nya.
"I'm sorry." Panimula ko. "I'm sorry for putting the blame on you. When in fact I was the one to blame."
"What—"
"Just listen." I cut her off. "I need to let this out now bago pa ako talunin nang pagkaduwag." Sabi ko at huminga nang malalim. It's now or never.
"You see. I'm a coward. I was contented when I thought we're on the same page. Pero ang totoo duwag ako. Duwag akong mag commit at maiwan. Kaya hindi ko nagawang magtanong kung ano bang meron tayo." Sabi ko at tiningnan sya sa mata.
"A long time ago, I have two best friends." Sabi ko at inalala ang lahat nang nangyare.
—
"Xen, ano bang sinasabi mo?" Nakakunot ang noong tanong ni Red sa kaibigang si Xenon. Nasa park sila at nakaupo sa swing.
"I like you." Kumabog nang mabilis ang puso ni Red. Matagal na nyang gustong marinig yun mula kay Xen. Pero mali.
"What?! No! That can't be." sabi nya at napatayo na. Tumayo din naman si Xen at hinarap sya.
"Why? Hindi mo ba ako gusto?" Sabi nito na tila nasasaktan na.
"Hindi sa ganon—"
"So anong problema? Gusto natin ang isat-isa." sagot nito nang hindi sya pinapatapos magsalita.
"This is wrong! Alam mo kung gaano ka ka gusto ni Neo. Masasaktan sya." Naiiling na sabi ni Red.
Neo is their other friend. Magkababata silang tatlo. Red ended up falling for Xen so as Neo.
Neo told Red about his feelings. Kahit na masakit ay nagpaubaya sya. Ayaw nyang masira ang samahan nila. She valued their friendship more than anything. Kaya itinago nalang nya ang nararamdaman nya.
"So okay lang na tayo ang masaktan? I don't like him! Ikaw ang gusto ko! Hindi mo ba ako gusto?"
"Hindi nga ganun yun—"
"Sabihin mo nalang kung hindi!"
"Oo na! Gusto kita!" Sagot nya dito. Gulat man ay napangiti si Xenon sa sinabi ni Red.
"But this is wro—" Hindi na nakuhang tapusin ni Red ang sasabihin nang bigla syang kabigin ni Xen para halikan.
Natuod naman si Red at hindi nakagalaw. She taste heaven, yun ang pumasok sa utak nya. Gustong-gusto nya itong gawin matagal na.
BINABASA MO ANG
Every Picture Tells A Story
Romance(Completed) A GxG story. A wanderer. Red Collins is someone who love to explore. A photographer and painter, An Artist indeed. But she's afraid to commit because of her past. Sitara Salva, A professor who have a crush on Red's cousin. But finding he...