Chapter 16

1.7K 74 0
                                    


Red Collins

"Oh? Bakit tulaley?" Biglang sulpot ni Ice sa kwarto ko.

Today is the day of my Art Exhibit. A lot of celebrities and fans will be there. Bilang lang ang pweding pumasok ngayong first day or should I say first night dahil gabi ito gaganapin. VIP lang ang makakapasok dahil piling guest lang ang pwede.

Para hindi crowded sa loob nang venue. And the rest ay kahit ilan na basta hindi masyadong masikip sa loob.

1 week lang ang itatagal nang exhibit. And the last day will be the auction. Sa isang mas malaking venue na gaganapin at kailangang mag request para makapunta.  Then, they can bid for the painting or picture they want.

Because I want it to be fair. Sayang kase kung hindi pa nga nakikita nang iba tapos nabili na agad yung painting diba.

Tsaka may pag gagamitan kami nang pera. We'll help the kids na nahihirapang pumasok sa school. Yung mga kailangan pang tumawid sa ilog para lang makapasok.

So the higher the bid ay mas maganda. Madami kaming matutulungan.

"What are you doing here?" Takang tanong ko sakanya. Tapos na din akong ayusan ni Nica at ilang saglit nalang ay aalis na din kami para pumunta sa venue.

"Sinusundo ka. Teka nga— May galit ka ba sakin?" Tanong nya at naka pamewang akong tiningnan mula sa salamin.

"Wala.."

"Wala? You've been avoiding me tapos wala? Alam mo bang ang dami kong gustong ikuwento sayo pero kung makapagpalayas ka sakin, wagas. tsk." Sabi nya at pabagsak na naupo sa kama ko.

"Ano nanamang tsismis mo?" Sabi ko at nakaupong humarap sakanya.

"Alam mo bang okay na kami ni Sitara?"

Napakunot ang noo ko sakanya.

"Okay means?"

"Okay, meaning friends na kami." Nakangiting sabi nya.

Muli ko syang tinalikuran dahil sa sinabi nya. Edi sila na ang friends. Kami nga hindi ko alam kung ano kami e. tsk.

"And Frank told me he likes me. hihi." Kinikilig na sabi nya.

Bigla akong napalingon sakanya. Ano daw?

"Two timer ka?!" Nakakunot ang noong sabi ko sakanya.

"Gaga! Sumama lang naman ako kay Sitara para pagselosin si Frank. And Sitara told me that she doesn't like me. Her Dad just told her to date me. Same kami nang situation. Though she told me she likes me before. Pero alam naman daw nyang hindi ko sya gusto." Sabi nya pagkatapos nya akong batuhin nang unan. Buti nalang at nasalo ko, kundi baka nasira na makeup ko. tsk.

So walang sila ni Sitara? I smiled at that thought.

"Anong ngiti yan ha?" Bigla akong natauhan sa sinabi nya at nagiwas nang tingin. Kunwaring inayos ko ang sarili ko sa salamin.

Naramdaman kong lumapit sya at idinikit ang ulo sa side ko at ipinatong sa balikat ko.

"You. Umamin ka nga. You like her, don't you?" Naniningkit ang matang sabi nya.

"What? Me? And Sitara? duh!" I tried not to sound so overreacting.

"Don't me. I know you couz. Hhmmm.." Sabi nya at may ngiti sa labing lumayo sakin pero nanatili sya sa likuran ko.

"And I didn't told you her name. Obvious ka naman masyado." Natatawang sabi nya "So that explains why you hated my face. huh." dagdag nya pa.

Every Picture Tells A StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon