Red Collins"Let's ride that!" excited na sabi ko at itinuturo ang vikings.
Nasa Enchanted Kingdom kami dahil hindi pa daw nakakapunta dito si Sitara. She's not really a fan of amusement parks.
Pero wala syang nagawa at pumayag nalang nang dito ko sya dalhin.
"Can we take a rest? Kanina pa tayo sumasakay nang rides. Umiikot na yung sikmura ko." Reklamo nya at naupo sa isang bench.
Tumabi naman ako sakanya. "Sorry. Na excite lang ako. First time ko din kase ulit pumunta dito." Sabi ko at tipid na ngumiti.
Naalala ko nanaman. We celebrated my birthday here before. Last vacation namin bago mangyare ang lahat. We were happy back then.
"Hey.." Sabi ni Sitara at hinawakan ang kamay ko. Bumaling naman ako sakanya ang tipid na ngumiti.
"Believe it or not I had a fear of heights before. We came here to celebrate my birthday and my phobia miraculously disappeared. They were my treatment." Malungkot na kwento ko sakanya so she squeezed my hand.
"It's okay. Everything will be okay." Nakangiting sabi nya to assure me.
"I know. Anyway, let's go! Let's play!" Masayang sabi ko sakanya at hinihila na sya patayo.
"Do you have a bipolar disorder? jeez.." Irap na sabi nya kaya natawa ako pero nagpatianod lang sya nang hilahin ko sya.
Naglaro kami sa ibat-ibang games dahil ayaw nang sumakay sa rides ni Sitara. Ang saya ko lang. It's a dream date for me.
I'm really happy that she's with me. Pinagmamasdan ko sya habang kumakain sya nang ice cream at nagmamasid sa paligid.
Kinuhanan ko sya nang picture gamit ang camera ko pati narin sa polaroid. Ang dami na naming pictures together.
"Hey! Akin na yan!" Sabi nya nang makita ang polaroid picture na hawak ko. Ang cute nya kase sa picture kaya natawa ako.
"Oopss! Hindi pwede, akin to." Sabi ko at itinago ito sa likuran ko.
"Nakakatawa siguro itsura ko dyan no? Kaya ka tawa nang tawa." Asar na sabi nya at sinamaan ako nang tingin.
"Ang cute mo kaya dito. And don't worry, you can't be ugly. That's impossible. It's lesser than the probability of Earth becoming flat." Sabi ko kaya napatigil sya at namula.
Ang cute nya talaga. jeez.. "Stop being cute! Baka iuwi kita. tsk. tsk."
"Che!" Sabi nya at iniwan ako. Sus, kinikilig lang sya e.
"Wait lang!" Sabi ko at kinuha ang mga stuffed toys namin tsaka sumunod sakanya.
—
Nang malapit nang mag dilim ay sa Ferris wheel naman kami sumakay para saktong sunset.
"Bakit ba puro ako ang kinukuhanan mo. I will also take a picture of you." Sabi nya at akmang aagawin ang camera sakin nang ilayo ko ito sakanya dahilan para samaan nya ako nang tingin.
"Tayo nalang dalawa." Naka ngiting sabi ko at lumapit sakanya. I took out my phone at nag selfie kami.
"You pervert!" sabi nya at kinurot ako sa tagiliran nang halikan ko sya sa pisngi.
Hindi ko ininda ang sakit nang pagkaka kurot nya sakin nang makita ko ang pictures namin. Lalo na yung nanlalaki ang mata nya habang naka halik ako sa pisngi nya, burst kase yung picture kaya every reaction ay kuhang-kuha.
"Look. Ang cute. hihi.. Kinikilig tuloy ako." Nakangiting sabi ko habang pinapakita ang pictures sakanya.
Kunot naman ang noo nya at kinuha sakin ang cellphone ko. May kung ano syang ginagawa dun at talagang lumalayo sya dahil pilit akong sumisilip.
![](https://img.wattpad.com/cover/253441175-288-k569513.jpg)
BINABASA MO ANG
Every Picture Tells A Story
Romance(Completed) A GxG story. A wanderer. Red Collins is someone who love to explore. A photographer and painter, An Artist indeed. But she's afraid to commit because of her past. Sitara Salva, A professor who have a crush on Red's cousin. But finding he...