Chapter 17

1.6K 70 2
                                    


Red Collins

"Do you like it?" sabi ko habang nasa harap kami nang painting, Serein.

"It feels sad. The painting." sabi nya at tumingin sakin.

"I guess it is, sad."

Pagkatapos nang nangyare sa office ko ay mas naguluhan ako. Sa kanya at sa sarili ko.

Mahal ko na ba sya?

Gusto nya ba ako?

Pero ngayon ay sigurado na ako. I like her. I'm not sure if this is already love. But I do like her, a lot.

At dahil na rin sa nangyare ay naramdaman kong ganun din sya. Sa halikan na nangyari ay parang hindi lang ako nang nalunod kundi pati na rin sya.

She also got mad about me and Vaine having a dinner. At sya pa mismo ang nag text kay Vaine na may emergency ako at hindi na kami matutuloy sa lakad namin, using my phone.

Hindi man lumabas sa bibig nya mismo na gusto nya ako ay ramdam ko naman. At ayoko syang biglain. Alam kong bago lang ang lahat sakanya. We both need time.

And i'm happy.

"But I can see the love. I like this painting." nakangiting sabi nya.

Hindi ako sanay sa ngiti nya kaya natutulala talaga ako. She's so fvcking grogeous!

"The auction will be on the last day." Sabi ko sakanya kaya napa nguso sya.

"I know that. I just thought you'd ask if I want to have it." she said as she rolled her eyes. "It's the thought that counts you know, I won't ask you to give it for free don't worry. tss.." Sabi nya at naglakad na.

Bahagya akong natawa sa sinabi nya. Tampo naman agad.

Agad ko syang sinundan at sinabayang maglakad. Hinawakan ko din sya sa bewang.

"Remove your hand." Banta nya sakin pero makulit ako kaya nginisian ko lang sya.

"I said—"

"Hey Red!" Biglang sulpot ni Vaine out of no where.

"Hey.. Thanks for coming." Bati ko sakanya at nakipag beso without removing my hand on Sitara's waist.

"I love your artworks talaga! I fell for Serein. I'll probably get that one no matter what."

Ngumiti lang naman ako sa sinabi nya. Sorry Vaine, but that's reserved for someone else.

At kahit gaano pa kalaki ang i-bid nang iba. Kung hindi si Sitara ang makakakuha ay uutusan ko si Nica'ng mag bid. Then I'll give it to Sitara.

"Let's go, may gustong kumausap sayo. Hiramin ko lang sandali si Red ha?" sabi ni Vaine at ini-angkla ang kamay sa braso ko at hinila ako paalis.

Hindi na ako naka angal at ngumiti nang pilit kay Sitara na inirapan lang ako. Patay.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Vaine dahil hilahila nya ako.

"Wala lang, gusto lang kitang masolo." Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Akala ko may gustong kumausap sakin?

"Gusto kong makita ang mga artworks mo with you. Mas maganda kung kasama ko yung mismong artist para mas maganda ang explanation." Naka ngiting sabi nya.

Ako naman ay napa kamot nalang sa kilay ko. Hindi ko kase alam kung anong dapat kong sabihin dahil gusto kong umalis at balikan si Sitara.

"Hi!"

Napalingon ako sa kanan ko nang biglang sumulpot naman si Gail.

"Hey.. Thanks for coming." Naka ngiting bati ko sakanya.

Every Picture Tells A StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon