Chapter 30

1.7K 56 2
                                    


Red Collins

Tiningnan ko si Sitara na natutulog habang nakasandal sa balikat ko. Ang isang kamay ko naman ay nasa bewang nya.

Nasa byahe kami ngayon pauwi. Hindi ko magawang matulog. Kinakabahan kase ako. I'm worried, na baka paguwi namin ay mawala sya sakin.

Hindi naman sya sakin pero natatakot akong iwasan nya ako. What if layuan nanaman nya ako? What if si Denis talaga ang gusto nya? What if.. What if..

Hinigpitan ko ang yakap ko sakanya.

Jeez.. i should stop overthinking. But damn it! Hindi ko mapigilan. Ang daming what ifs na tumatakbo sa utak ko. Idagdag mo pa ang sobrang kabang nararamdaman ko.

Hindi nyo ko masisisi. Ilang beses na ba tong nangyari? Na parang kami pero biglang strangers ulit.

Lalo na at nagtataka ako sa ikinikilos ni Sitara ngayon. She became sweet and possessive. Na parang sinusulit nya yung semi vacation namin.

I can't help but think na ngayon lang to. Na pansamantala lang. Na pampalipas oras lang ako.

"You can't sleep?" Bulong sakin ni Sitara. Hindi ko napansin na nagising na pala sya.

Ngumiti ako sakanya "I'm okay. Don't mind me. Just sleep, alam kong pagod ka." I said and kissed her temple.

Ngumiti naman sya at pumikit ulit. Please don't leave me..

"Hello?" Sabi ko nang sagutin ko ang tawag nang hindi tinitingnan kung sino.

"Hey.. Sorry, naistorbo ko ba tulog mo? I know you're tired." Napakunot ang noo ko at inilayo ang phone sa tenga ko para tingnan kung sino bang tumawag. Kakagising ko lang kase.

"Hey.. It's fine, napatawag ka?" Tanong ko kay Cali.

"I'm sorry hindi kita nasundo kagabi. I'm actually out of town since yesterday at hindi ko pa alam kailan ang balik ko." Sabi nya, halata sa boses nito ang panghihinayang

"Cali, hindi mo ako obligasyon. It's fine, i'm fine. Thank you."

"I'm sad. Kakabalik mo lang tapos ako naman tong umalis. tsk. Ni hindi nga kita nakausap nang ilang araw dahil hindi kita ma contact." Hindi ko man sya nakikita ay ramdam kong naka pout sya at nagmamaktol nanaman.

Nakaramdam ako nang awa sa narinig ko. Hindi ko alam kung may signal ako nitong mga nakaraang araw pero pinatay ko talaga yung phone ko. Sitara told me to turn it off habang nandun kami.

"I'm sorry, i'll make it up to you pag balik mo." Sabi ko at pilit na ngumiti. I'm planning to make her stop pursuing me.

Hindi fair sakanya na may iba akong gusto. Ayokong mas masaktan sya kapag sa iba nya pa nalaman. Pero gusto kong personal na sabihin. Cali has been always good to me.

"Sabi mo yan ha?! Sige na, i'm taking too much of your time. I gotta go. Bye babes! Mwah!" Hyper na sabi at binabaan na nya ako nang tawag.

Napabuntong hininga ako nang malalim. Iniisip ko pa lang na sasaktan ko si Cali ay parang maiiyak na ako. I don't want to hurt her. Masyado syang mabait at hindi nya deserved masaktan. Pero mas lalo syang masasaktan kung mag s-stay sya sakin.

Nakatingin lang ako sa kisame nang tumunog muli ang phone ko. Bigla akong napangiti nang makita ko kung sino.

"Hey! Good Morning! To whom do I owe this pleasure?" I said smiling.

Every Picture Tells A StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon