1

248 9 3
                                    

Warning: Hindi 'to love advice book na kung saan mababasa niyo kung anong klase ng engineer o businessman na boyfriend ang magreregalo sa inyo ng ATM card nila. This is a fiction book. Hindi ako love guru.

Maging responsable kayong mambabasa. Bago ka magbasa nito, alalahanin mo muna ang edad mo. Nasa tamang edad na ba iyang utak mo para malaman na fiction lang ang librong ito at hindi makatotohanan? Mature na ba iyang utak mo para maintindihang hindi ito dapat ginagawa sa totoong buhay? Kung oo, magbasa ka na. Kung hindi, lumayas ka. Hindi ko kailangan ng mga pa-woke na magle-lecture sa akin kung paano ba dapat ang isang relasyon. Gumawa ka ng sarili mong libro na may life lesson, ineng. Wag kang maghanap niyan dito. There are millions of books here on wattpad and you're here? For what? To tell me this is not your cup of tea? Kung ayaw mo di wag.

Angelica Tolentino

I looked at the woman in front of me with curious eyes. Kanina pa siya nakatayo sa labas ng pintuan ng apartment ko. Almost one hour na rin siguro siya dito.

"May kailangan po ba kayo?"

She puffed the smoke on my face kaya malakas akong napa-ubo. Ugh! I hate it. Ang baho.

"Bayad mo sa apartment at-" She moved her head to the side para masilip ang loob ng apartment ko. "ang susi ng apartment ko."

Nilingon ko rin ang mga bagahe sa aking likuran at tumango sa kanya. Tumango na lang ako kasi napagod na akong magsalita. Pakikinig pa nga lang sa kanya nakakapagod na. I heard her banter with one of the renter here last week. From a calm conversation it suddenly went down to hair pulling and shouting. Si manang ang nanguna sa away na 'yon kaya hindi ko na sinubukang makipag-usap sa kanya.

I let go of the doorknob and walked towards my things. Hindi na ako nag-abala pang isara ang pintuan dahil lalabas din naman ako. Isinukbit ko ang bag sa aking balikat at saka hinila ang suitcase ko.

I looked at my apartment one last time bago ko tuluyang isinara ang pintuan. I dropped the keys and my money on my landlord's open palm before I strutted away.

Ngayong araw ako uuwi sa probinsya namin. Hindi alam nila mama at papa na uuwi ako dahil hindi ko rin naman pinaalam. I dropped out of college a month ago at ngayong wala naman akong purpose dito sa city, naisipan kong umuwi na lamang sa probinsya namin.

I thought I'll enjoy culinary noong mag-decide akong mag-proceed sa college but I was wrong. I hate it. I hate going to school. Hindi ko magawang makipagsabayan sa mga pabida at bullt kong mga kaklase. I was enrolled in a private school kung saan nag-aaral ang mga anak ng mga kilalang personalidad sa Pilipinas. May mga international students din naman but they were not a problem. Kung sino pa 'yong mga kababayan mo, sila pa 'yong mahilig manghila sa'yo pababa.

Dahil hindi nga alam nila mama na uuwi ako, walang sumundong sasakyan sa akin. Wala namang problema 'yon dahil marunong naman akong sumakay ng bus. Halos tatlong oras din ang inabot bago ako nakarating sa bayan namin. Sumakay ako ng tricycle papunta ng bahay.

Pagdating ko doon, naabutan ko si kuya Toto na papalabas na ng gate. Isa siya sa tauhan nila mama dito sa bee farm namin.

"Kuya toto!" Lumaki ang ngite ko ng makita niya ako. kumaway pa ako sa kanya kasi mukhang nagulat siyang makita ako.

"Oi, Angel! MA'AM! NANDITO SI ANGEL! UMUWI PO SI MA'AM ANGEL!" Ang sumisigaw niyang tawag kina mama na ikinatawa ko. Nawala sa paningun ko si kuya Toto dahil tumakbo ulit siya papasok ng gate.

Crossing BordersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon