5

131 7 16
                                    

Angelica Tolentino

"We're here," ang anunsyo ni kuya nang huminto ang sasakyan.

Lumingon ako sa bintana sa aking tabi at sinilip kung nasaan na kami. Agad na sinalubong ng gate namin ang paningin ko.

"Hindi ka po ba papasok, kuya?" Ang tanong ko matapos mabuksan ang pintuan.

"No. Bumaba ka na," ang malamig nitong tugon habang kumukuha ng sigarilyo doon sa isang itim na box.

I nodded reluctantly before jumping out of his car. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang pakikitungo ni kuya kina mama. Ang alam ko, sinisisi ni kuya sila mama kung bakit naghiwalay si kuya at ate Pau pero wala namang pruweba si kuya na may kinalaman sila sa pangangaliwa ni ate. Sarili niyang desisyon iyon.

"Oi, ma'am! Nandito ka na po pala. Magandang gabi ho."

Napatigil ako sa paglalakad patungo sa gate namin nang salubungin ako ng isang hindi pamilyar na mukha. "Magandang gabi po."

Mukhang bago yatang guard nila mama. Wala naman silang sinabi sa akin bago ako umalis ng bahay kanina. Nakalimutan siguro nila.

"Ma'am, hindi pa po kasi pwedeng daanan itong malaki niyong gate kasi may sinemento ho sa loob. Sabi ng mama niyo doon daw muna kayo sa likod dumaan." Itinuro ni kuya iyong madilim na parte sa gilid nitong property namin.

Napakunot ang noo ko doon. Bakit nagpasemento sila mama? Sa pagkakatanda ko maayos pa naman ang daanan kanina.

"Sige, kuya, salamat po." Maglalakad na sana ako papunta doon sa daanan patungo sa maliit na gate nang hawakan niya ang palapulsuhan ko.

Sinubukan kong bawiin ito kaagad pero nilalagyan niya ng pwersa ang pagkakahawak sa akin. Napatitig ako doon at nakaramdam ng kaunting kaba. I hate it when men touches me. It makes my skin crawl in disgust.

"Ma'am, hatid ko na po kayo," ang sabi niya habang nakatitig sa dibdib ko.

Hapit sa katawan ko, lalo na sa bandang dibdib ko, ang suot kong puting maxi v-neck summer dress. Hinila ko patakip sa exposed kong cleavage ang kaunting tilang nahihila ng mga daliri ko.

"Kaya ko po, kuya." Ang mariin kong sabi dito habang pilit binabawi ang braso ko sa kanya.

I closed my eyes and breath deeply. I have to be calm. Ilang beses na akong napunta sa sitwasyong ito at nailabas ko ang sarili ko doon ng hindi nasasaktan.

Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang lakas ng loob na gawin to sa akin sa harap ng gate namin. May mga cctv cameras na nakasabit dito sa gate.

"Kuya!" Napataas na ang boses ko nang magtaas baba ang magaspang niyang palad sa braso ko.

"Ma'am, hindi naman kita sisingilin. Nasa iyo naman 'yon kung may ibibigay ka o wala."

Alam ko kung anong tinutukoy niya. Kung si kuya kilala bilang bayolente at walang modo, kilala naman ako sa probinsya namin bilang babaeng easy to get. Fuck girl. Maluwang. Bumubuka kung kani-kanino. Nympho.

I couldn't fathom why I was branded like that. It was insulting. It was degrading. Lalo na sa pamilya ko. They tried to stop those baseless rumors about me but people can not stop running their mouths even if they face truths. True or not, they will only believe what they think entertains them.

Crossing BordersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon