Angelica Tolentino
I was never that close to my siblings. Kahit noong kinasal sila kuya Gareth at ate Mae Ann never ko pa silang binisita sa mga bahay nila ng wala sila mama. My memories with them were quite vague. Dala na rin siguro sa agwat ng mga edad namin.
Tumigil ang sasakyan namin sa harap ng isang may kalakihang gate dito sa ibabaw ng bukid. Sobrang layo nito mula sa huling bahay na nakita namin. Mabuti na lang at may mga street lamps sa daanan dahil baka pinabalik ko na si kuya sa pinanggalingan namin.
The surrounding here is quite eerie and scary. Kanina pa kami bumubusina ni kuya Gibo pero hindi pa rin bumubukas ang gate ng kuya. Honestly, medyo natatakot na din talaga ako.
"Ma'am, mukhang kailangan po yata nating mag-door bell. Kung ok lang po sa inyo, iwan ko po muna kayo dito."
Mabilis akong umiling sa suhestyon ni kuya Gibo. There's no way I'd stay here alone. I fear nothing but being alone in a place like this.
"Sama na lang po ako, kuya," ang mahinahon kong sabi kay kuya Gibo kahit na ang totoo ay gusto ko ng magpanic at umiyak.
Para akong praning na sinusuyod ang paligid habang nagdo-doorbell ang driver namin. Mahigpit akong napayakap sa sarili nang malakas na umihip ang hangin. I swear I'm so close to breaking down.
Narinig ko ang marahas na pagbukas ng gate. Nang lingunin ko ito ay agad kong nakita ang galit na mukha ni kuya. Pero wala na akong pakialam. Sa takot ko ay napatakbo ako sa kanya at napayakap.
"Kuya!"
Isinubsub ko ang mukha ko sa dibdib niya at yumapos ng mahigpit sa katawan niya. Ramdam ko ang sobrang bilis na pagtibok ng puso ko. Para itong lalabas mula sa kinalalagyan nito.
"Naku, sir, pasensya na ho kayo. Kanina pa takot na takot iyang si ma'am."
Saglit na katahimikan ang bumalot sa paligid. Tanging ang mabibigat na paghinga ko lang ang maririnig.
Don't ask me how I survived living alone in the city. Doon marami akong kapitbahay at palaging buhay ang paligid. Hindi kagaya dito na sobrang layo ng mga kapitbahay.
"Ako na ang bahala dito. Umuwi ka na," ang narinig kong sabi ni kuya.
Matagal bago ako nakarinig ng sagot kay manong. Hindi naman siguro ako imu-murder ni kuya diba?
"S-Sige po, sir. Ma'am Ange, mauna na po ako."
Ganoon pa rin ang posisyon ko hanggang marinig ko na ang tunog ng papalayong sasakyan.
"Bitaw na," ang utos ni kuya sa akin na hindi ko magawa.
I heard him sigh before moving a bit to close the gate. Hindi nakasuot ng t-shirt si kuya kaya walang makapitan ang kamay ko. The heat coming from him made me feel a little bit safe despite knowing how dangerous he is.
"Bibitaw ka ba o itutulak kita?" Ang malamig niyang tanong sa akin.
Umiling ako at bumitaw mula sa pagkakayakap sa kanya. Lumipat ako ng yakap sa braso niya. Pinakiramdaman ko kung itutulak nga ba talaga niya ako.
BINABASA MO ANG
Crossing Borders
General FictionThis is not a romantic love story. This is not a romantic relationship guidebook. This is just a twisted story between two sinners sharing the same name, the same lust. Angelica Tolentino is a 20-year-old college drop out known for her introvertedn...